Nagdaan ang ilang linggo ganon lang din nangyari pasok sa school uwi. Lagi pa din akong iniis ni Ravin ewan ko ba inlove hata sakin pero kung inlove di niya ako tatapunan ng juice sa damit, babatuhin ng putek sa damit at higit sa lahat hindi niya ako ipapahiya sa maraming tao.
Kaya ginawa ko din ang mga ginawa niya sakin papatalo ba naman ako HAHAHAHHA. Mas malala ginawa ko inukitan ko kotse niya at nilagyan ng ipis ang loob ng kotse niya. Paano ko nabuksan syempre sinungkit ko uyy di ako magnanakaw ah.
So ayun nga nandito kami ngayon para sa panregalo namin sa birthday ni Trice. Hindi niya alam na umalis kami nila Andrea kasama din namin si Akia at Brian. Curious talaga ako sa dalawa na ito eh laging magkasama.
"Hoyy nakakasama ko kayo sa school at sa trabaho mag ano ba talaga kayo may something ba sainyong dalawa?" tanong ko kaya natawa si Akia at Brian. "Anong nakakatawa?"
"Eh gago magpinsan kami sus akala ko alam mo na kaya di ka nagtatanong HAHAHAHAHAHAH" tumatawang sagot ni Akia.
"Seriously napagkamalan kaming magjowa ng pangit na yan iw ha" sambit pa ni Brian.
"Anong pangit maganda daw ako sabi ni tita" angal naman ni Akia.
"Edi kampi sayo si mama kasi sa side niya tayo magpinsan papayag ba namang pangit sa lahi niya" natatawang sambit ni Brian.
"Gago ka maganda talaga lahi namin... Natin pala kasi nakabilang ka HAHAHAH" ganting pang aasar ni Akia kaya natawa na lang ako sa kanilang dalawa.
Di ko inaakalang magpinsan sila kahit halata naman sa ugali nila maingay sila pareho tapos parehong magkakontra. Parehong barumbado din pero argh akala ko talaga may something.
"Tara na nga mamili na tayo para kay Trice" aya ko sa kanila dahil nandito lang kami nakatayo sa loob ng mall.
Pumasok na kami sa National Bookstore puro libro ang balak naming iregalo mahilig kasi si Trice sa Wattpad book. Isang bundle na ang bibilin namin at hati hati na lang kami sa babayaran. Ang napili namin ay yung "Morrainne" na libro ang ganda kasi talaga ng kwento na ito sinabi din samin ni Trice gusto niya bumili ng libro na iyun kaso kulang pa siya sa budget kaya kami na ang bibili sa kanya para gawing regalo. 350 ang isang libro kaya naghati hati na kami sa pera.
Nakabili na kami at ngayon ay palabas na kami ng may makilala akong imahe si Lian.
"Liannnn!" sigaw ko. Lumapit agad ako sa kanya at niyakap siya. "Wow ganda mo na ah di ka na mahirap" masayang sambit ko.
"Dahil po iyun kay kuya Jayron siya po ang tumutulong sakin at nagpapaaral pati po mga kapatid ko pinag aaral niya" masayang sagot sakin ni Lian kaya napatingin kami kay Jayron.
"Jayron may sakit ka?" - Andrea.
"Mabait ka pala ikaw ba talaga yan?" - Akia.
"Gago pre totoo ba iyun?" - Brian
"Tingin niyo sakin masama ugali?" sambit niya.
Kinapa ko ang noo niya baka may sakit charr. "Wala ngang sakit" natatawang sambit ko.
"Ang gago niyo mabait naman talaga ako di lang halata" proud na sagot niya tsaka siya humarap kay Lian. "Lian wag mo sayangin opportunity na binigay ko ah pagbutihan mo pag aaral diba gusto mo mag medic" masayang sambit ni Jayron. Tumango lang si Lian.

YOU ARE READING
Waking up in Misery
RandomThere's a girl living in a small village, she's so beautiful and kind but her life seems so opposite in her appearance. She was abandoned by her family and now she's living all alone. She learned to live all by herself, explore about life and faced...