Hindi ko alam kung paano ko iiwan si Xea until now may sakit pa din siya pero kailangan ko iligtas si Lian ang hirap mamili sa dalawang importante sayo.
Hindi talaga kami magpinsan ni Xeanne sa pamilya niya pero hindi ko alam bakit pinipilit ko na pinsan ko siya. Sabi nga ni Kuya tigil mo na yang kahibangan mo. Pero hindi ko kaya nasanay na ako kay Xea napamahal na ako.
"Xea paano ba kita iiwan ng ganyan ang kalagayan sana naman maging ayus ka na" umiiyak na sambit ko.
"Bakit ka umiiyak Jayron?" nagulat ako ng magsalita si Xea kaya napatalikod ako.
"Ahh wala napuwing lang" sambit ko sa kanya.
"Jayron pwede favor I want to eat noodle lutuan mo ako" puppy eyes na sabi niya. Tumango na lang ako
Why so cute Xea sana ganyan ka lang lagi masaya at walang problema.
Tumayo na ako at pumunta sa lutuan. Pagkaluto ay dinala ako agad sa kanya ang noodles.
"Thank you Jayron bait mo ngayon ah" natatawang sambit niya.
"Mabait naman ako ah ikaw lang naman hindi napakawarfreak mo" biro ko kaya tinignan ako ng masama.
"Pasalamat ka may sakit ako" inis na sambit niya.
"Salamat dahil may sakit ka at hindi mo ako masapak" pamimilosopo ko sa kanya.
Kaya ayun pinipilit akong abutin pero tumigil rin siya ng medyo nakaramdam ng hilo.
Pinagpahinga ko muna siya para gumaling na siya. Pinainom ko na din siya ng gamot.
Tinawagan ko ang mga kaibigan niya ngunit mga may pasok kaya si Akia na lang ang pag asa ko tinawagan ko siya.
"Hello akia pwede ba favor"
"Oh sure Jayron" - Akia
"Busy ka ba papabantayan ko sana si Xea may sakit eh importante lang akong lalakarin"
"No I'm not busy sigeh pupunta ako diyan mamaya may tatapusin lang" sambit nito.
"Sigeh aantayin kita bago ako umalis." binaba ko na ang tawag at si kuya Joaquin naman tinawagan ko.
"Hello kuya mamaya na ako pupunta diyan aantayin ko lang kaibigan ni Xea na magbabantay sa kanya"
"Ano Xea na naman puro ka Xea nanganganib na yung kapatid ko oh" galit na sambit nito sa tawag.
"Pero may sakit si Xea di rin siya pwede iwan mag isa baka magkombulsyon"
"Oo na peste" - Kuya Joaquin.
Binaba ko na ang tawag pagkausap namin.
Hindi ko alam paano sasabihin kay kuya Joaquin galit na galit pa siya kay Xeanne.
10am na ng dumating si Akia.
"Kuya sorry ngayon lang may ginawa pa eh tapos may inuutos pa si tita" nahihiyang sambit nito.
"Ayus lang ang mahalaga may magbabantay na kay Xea" sambit ko. "Pasensiya na din sa abala ah may sakit kasi siya eh importante pupuntahan ko" dagdag ko pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/247112319-288-k922861.jpg)
YOU ARE READING
Waking up in Misery
CasualeThere's a girl living in a small village, she's so beautiful and kind but her life seems so opposite in her appearance. She was abandoned by her family and now she's living all alone. She learned to live all by herself, explore about life and faced...