Chapter 30: Adoption

2 1 0
                                    

Xeanne's POV

Isang linggo na ng magsimula ulit akong pumasok sa school at nandoon pa din ang takot ko na hindi ko malaman kung saan ko siya nakuha. Ang alam ko lang naaksidente ako at nagkaamnesia pero hindi ko alam saan ko nakuha ang takot ko sa mga lalaki and I think this is a trauma.

Papasok na ako sa school at kasabay kong papasok si Jayron. Inaantay ko nalang siya dito sa bahay ko. Habang inaantay ko siya nagluto ako ng favorite niyang pagkain at iyon ay adobo. Maya maya lang at nandito na siya.

"Uyy Xea ano yan ang sarap ah para sakin ba yan?" tanong niya kaya nakaisip ako ng kalokohan.

"Hindi eh para kay Zoren talaga yan hahahaha" sambit ko. Inis siyamg umalis sa tabi ko. "Hoyy joke lang syempre sayo toh ano ka ba" habol ko sa kanya kaya napangiti ang kupal.

"Love mo talaga ako noh pero alam mo buti hindi mo nakalimutan favorite kong ulam na luto mo" sambit niya.

"Buti na nga lang" sambit ko."oh siya luto na kain na muna tayo bago pumasok" dagdag ko pa.

Nakahain na ako at kumakain na kami ng biglang nagsalita si mama. "Oo nga pala Xea gusto mo ba pumunta sa mga magulang m?" tanong niya. "Kung gusto mo mamaya pagkatapos ng class samahan kita" sambit niya pa.

Oo nga pala simula ng nagkaamnesia ako di pa ako bumabalik doon. Gusto ko na din sila makamusta kasi simula pinalayas nila ako hindi pa ako bumabalik doon. Kahit pagpapadala ng pera di ko na nagawa dahil sa nagyari sa akin.

"Sigeh gusto ko na din sila makamusta" sagot ko sa kanya. "Alam ba nila nangyari sakin?" tanong ko pabalik.

"Ano pang saysay na malaman nila wala din naman silang pakialam diba?" inis na sambit ni Jayron. Nalungkot ako sa mga nalaman ko.

Makalipas ang ilang minuto ng katahimikan ay tapos na kaming kumain si Jayron na din ang nag urong pinagbaon ko din sila Trice kasi balita ko gusto nila ang luto ko. Pagkatapos ng mga gawain sa bahay ay pumasok na kami sa school.

                       *****







Joaquin's POV





Napagpasyahan ko na pagkatapos ng laban ko sa nag imbitang gangster samin ay puntahan ko ang nanay ni Xea upang malaman ang lahat paano napunta sa kanila ang kapatid ko.

Hindi muna ako pumasok sa class ko dahil may laban ako. Hinahayaan lang ako ng teacher ko dahil wala rin naman siyang magagawa kasi isa ako sa may share sa school na ito, matalino din ako kaya nakakasabay at matataas ang grades ko.

Nandito na kami sa lugar kung saan kami lalaban. Mabilis lang naman ang laban dahil mahihina ang mga ito.

Nakita ko na ang mga kalaban ko pati na ang boss nila. Ang pustahan sa labanan na ito ay kung sino matalo na grupo magiging alipin. Hindi naman ako papayag magpaalipin sa kanila.

"Let's begin kasi madami pa akong aasikasuhin" pang iinsulto ko sa kanila.

"Tingin mo mananalo kayo ng grupo mo?" sambit ko.

"Aba syempre naman kailan ba ako natalo?" pang iinis ko pa kaya pamalag na sila. Ilang minuto lang natapos na ang labanan. "Sabi ko naman sayo eh di ako papatalo" inis na sambit ko. "Hoyy Sean pagamot niyo na ang bago nating mga alipin kasi may gagawin ako mauna na ako sainyo kayo na bahala dito" pagpapaalam ko sa mga kasama ko.

Waking up in MiseryWhere stories live. Discover now