Xeanne's POV
Nagkamabutihan kami ni Ravin simula ng magkausap kami. Halos three weeks na ang nakaraan ng bumalik ang alaala ko, nakulong na din si Zoren. Dito na din ako nakatira kay kuya Joaquin. Nung una hindi ko matanggap na kapatid ko siya dahil sa nagawa niya sakin pero pinakita niya sakin ang tunay na birth certificate ko kaya naniwala na ako.
Nasa school ako ngayon dahil naghahabol ako sa mga gawain na namissing ko dahil masyado ko ng napabayaan dahil sa mga nangyari sakin. Bumalik na din ako sa pagtatrabaho. Nung una ayaw pa ni kuya na payagan ako pero pinilit ko siya.
"Uyy bhie madami ka pa bang tatapusin? Anong oras na oh." tanong sakin ni Trice kasi alas tres na. Kaya siya nagmamadali dahil may training daw kami sabi ni Kuya Joaquin.
"Hindi pa ako tapos madami pa makakapag intay naman yata yung training na 'yun." sagot ko sa kanya. "Tsaka kailangan ko ito ipasa para di ako bumagsak tsaka wala pa naman si Andrea ah" sambit ko pa kaya nanamihik na lang siya.
Pasado alas singko na ako natapos sa kanila unang gawain ko na ipapasa bukas. Pagtapos non ay naligo na ako at nagbihis para pumunta sa training kuno daw namin.
"Trice tara na nagtext si Andrea andoon na daw siya sa training ni Kuya tayo na lang inaantay" paggising ko kay Trice dahil nakatulog pala siya kakaantay sakin.
"Buti naman may balak ka pa" inis na sambit nito ngunit di ko na pinansin. Papunta na kami sa lugar kung saan kami magpractice ng training. Maya maya lang ay nakarating na kami.
"Hi guys we're here" sigaw ko sabay yakap kay kuya Joaquin. "Sorry kuya late kami sa usapan kasi alam mo na I need to finish my activities." paliwanag ko.
"No! Baby it's fined you need to finish your activities" sagot nito sabay kiss sa noo ko."Kahit bukas malate ka okay lang. Pagod na nga mga kasama mo eh si Akia at Andrea" sabi ni kuya sabay turo sa dalawa ngunit ng matapat kay Akia ay inirapan niya ito.
"Hi Akia and Andrea where's Jayron?" takang tanong ko kasi kami lang nandito. Si kuya Joaquin, Akia, Andrea, Ako at si Trice.
"Wala siya baby may inutos ako Tara na start na tayo baby" sambit nito kaya nainis ako.
"Kuyaa don't call me baby, malaki na ako" inis na sambit ko tskaa siya tumawa.
Nagsimula na kami magpractice. Ang unang itinuro ni kuya ay ang basic self- defense. "Una is kapag may lalaki na balak kayo dukutin or rape'in una ninyong gawin ay huwag kayong mataranta at i-lock ninyo ang mga braso nila" unang turo ni kuya sa amin. "Second is tuhurin niyo yung maselang pang ibabang bahagi ng katawan nila" paliwanag muli nito sa pangalawang gagawin.
"Kuya naman basic naman niyan" reklamo kahit sino kayang gawin yan.
"Baby naman syempre sa basic muna tayo bago sa mga mahihirap" paglalambing nito.
'Baby na naman umay naman kuya.' sambit ko sa isip ko.
"Oh siyaa start na ulit kasi mamaya gagawin natin yang basic kunyari ako yung masamang tao." Pagsambit ni kuya.
"Masama ka naman talaga" bulong ni Akia kaya nagtawanan kami.
"Excuse me miss I'm not bad duh can you please shut up your mouth kung ibabalik mo ang nakaraan" inis na sambit ni Kuya.
"Whatever tch!" sambit ni Akia at tumahimik na.
"So second basic self defense ay kapag nilock kayo sa may pader untugin niyo ng ulo niyo at pangalawa ay tuhudin niyo" sambit nito tskaa ulit minostra sa amin at sinundan kami.
YOU ARE READING
Waking up in Misery
De TodoThere's a girl living in a small village, she's so beautiful and kind but her life seems so opposite in her appearance. She was abandoned by her family and now she's living all alone. She learned to live all by herself, explore about life and faced...