Chapter 15: Jealousy

24 4 31
                                    


Author's Note:

This chapter po is hindi siya continuation ng chapters 14 nangyari po ito nung hindi pa naaksidente si Lian or si Xeanne at kung mapapansin niyo po ang bawat pangyayari dito ay hindi nabasa or nabanggit sa ibang chapter ay dahil po ibang scene ito.

Liam × Andrea × Brian

~~~~~~~~~~**********~~~~~~~~~~

Andrea's POV

Hindi ko kasama sila Xeanne ngayon dahil puro sila busy 'daw' sila siguro si Xeanne kasama na naman si Jayron itong si Trice ewan ko ba doon kung anong pinagkakabusyhan wala namang jowa.

I'm here at the mall ewan ko ba bakit dito ako napadpad. Siguro mamimili na din ako ng foods na want ko kainin kapag gabi.

Ganon kasi ako everytime na mga tulog na tao sa bahay pupuslit ako at kakain or kukuha ako ng pagkain sa ref at sa kwarto ko kakainin HAHAHHAHAH gutom lng sorry.

Nandito ako ngayon sa Market para bumili ng foods coz food is life.

Bumili ako ng mga junkfoods, can goods, fruits and veggies kumakain din kasi ako kapag nanonood ako ng mga movies.

Habang naglalakad ako nakita ko si Brian kaya nilapitan ko.

"Woi!! Anong nigagawa mo here" sambit ko.

"A-ahh w-wala may binili lang" kinakabahan na sambit niya.

"Oh eh bakit natatakot ka?" tanong ko sa kanya.

"H-huh no!" sambit niya kaya tumango na lang ako.

Napag usapan namin na magsama na lang na mamili. Hindi ko maiisip bakit nila ako inaasar kay Brian oo gwapo siya, mabait pero tarantado kasi malakas sapak niya at mabilis makisakay sa asaran.

Trip lang ako nito kaya gusto ako ligawan.

"Hoyy bakit ka tumatawa?" tanong bigla ni Brian.

Halaaa nakangiti ba ako uyy di ako kilig nung naisip ko yung ligawan keme.

"Huh wala may nakita lang akong nakakatawa sa gilid gilid" sambit ko kaya inikot niya ang paningin niya.

"Wala namang nakakatawa sa paligid or baka naman kilig ka kasi kasama mo ako ayiiee" sambit niya sabay sundot sa tagiliran.

"Tigilan mo sasampalin kita" banta ko sa kanya.

"Kapag ako sinampal mo hahalikan kita" sambit nito.

"Yolks tigilan mo sabi sasampalin talaga kita di ako nagbibiro" sambit ko habang kinikiliti niya.

"Aminin mo na kasing gusto mo ako" sambit nito sabay kiliti na naman napipikon na ako.

Kalma self malakas lang talaga tama niyan.

"Ikaw lang naman may gusto sakin tsaka never ako magkakagusto sayo di ka gold di ka din gwapo duhh" sagot ko sa kanya.

"Oo may gusto ako sayo" diretsong sambit niya kaya natahimik ako. "Bakit ba ayaw mo sakin tsaka gwapo toh uyy" sambit niya sabay Pogi sign.

"Huh? Bakit ayaw ko sayo? Kasi ayoko di ako naniniwala sa mga lalaki sinungaling silang lahat paasa at puro pangako" sagot ko.

"Hindi ako ganon matino ako... Oo maloko ako pero seryoso ako magmahal" sagot niyang muli sakin.

Waking up in MiseryWhere stories live. Discover now