Chapter 32: Arrested

8 1 8
                                    

Zoren's POV

Nagulat na lang ako ng biglang may nga black in suit na mga lalaki sa tinutuluyan ko.

"Ikaw ba si Zoren?" maangas na tanong nito.

"Oo ako nga anong kailangan niyo?" tanong ko sa kanila.

"Sumama ka sa amin" sagot nito bago ako dagpin. Nilagyan din nila ng supot ang ulo ko upang hindi ko makita kung saan nila ako dadalhin.

"Sino kayo" tanong ko sa kanila.

"Wala ka na doon. Inutos ka lang samin kasi malaki atraso mo sa boss namin" sagot ng katabi ko.

"Parang awa niyo na palayain niyo na ako" paawang sambit ko ngunit di nila ako pinakinggan.

Sa layo ng nilakbay namin ay huminto na sila. Habang binababa nila ako ay nagpupumiglas ako kaya sinuntok nila ako sa sikmura.

Nagising na lang ako ng napiring na ang mata ko at nakatali ang mga kamay at paa ko. Pinilit ko kumawal ngunit sobrang higpit talaga wala akong nagawa kundi sumigaw nalang.

"Tulonggggg" sigaw ko ng paulit ulit. Ilang oras na akong sumisigaw dito ng may marinig akong kaluskos kaya sumigaw ulit ako.

"Sino kayo anong ginawa ko sainyo?" sigaw ko sa kanila. Nagulat ako ng may biglang lumapit sakin at pinaghahampas ako kilala ako ang boses ng babaeng ito.


                         *****




Joaquin's POV

Papunta palang kami kung nasaan si Zoren. Sa wakas makakaganti na din kami sayo sa ginawa mo sa kapatid ko. Gusto sana sumam ni Ravin ngunit walang bantay si Xea ayaw ko man sa kanya pabantayan ngunit kailangan. Nung sinabi kong bawal siyang sumama ay nagsabi nalang siya ng 'sigeh kailangan din namin mag usap dalawa' hayss kahit ayoko no choice dahil kailangan na managot ni Zoren.

"Gusto ko ng saktan yung Zoren na yun" inis na sambit ni Brian.

"Ako din gusto ko na manapak ng manyak" sagot naman ni Jayron.

"Kami din pasapak or pasampal man lang kahit isa hehehe" sambit naman ni Andrea.

Sumang ayon naman ang iba pang mga babae na kasama namin ngunit si Akia ay tahimik lamang.

"Ahmm Akia bakit ang tahimik mo?" tanong ko sa kanya. "Diba madaldal ka?" natatawang sambit ko. Nagtawanan naman lahat ng nasa loob ng sasakyan.

"Tatahimik ka o gusto mong mabangga tayong lahat" banta naman nito samin.

"Omg I'm scared naman Akia hahahaha" pang iinsulto ko pa.

"Alam mo hindi ko alam paano mo naging kapatid si Xea ang layo ng ugali mo sa kanya" inis na sambit nito.

"Ganon talaga pero alam mo din na maganda si Xea at gwapo ako doon pa lang alam mo na kapatid ko siya" natatawang sambit ko.

"Dapat nga hindi ka na lang niya kapatid kasi pinahamak mo siya noon na halos ikamatay niya." sumbat nito sakin kaya natahimik kami. "Sa totoo lang sana di ka agad pinatawad ni Xea kasi grabe yung dinanas niya simula pagkabata" umiiyak pa na sambit nito.

"Hindi ko naman kasalanan kung bakit nangyari yun hinanap ko siya ng matagal hindi mo alam yun kaya huwag mo kong sumbatan" naiinis na sambit ko.

Waking up in MiseryWhere stories live. Discover now