Dalawang linggo na mula ng magmall ako na kasama si Brian at di na nasundan iyun.
Lalabas ako ngayon para mag jogging. 4am ako nagising para mag ayus ng sarili at 5am na ako lumabas para magjogging.
Naka jogging pants at Sando lang ako.
Habang nagjojogging ako nakita ko si Liam sa may subdivision namin at nagjojogging din ngayon ko lang siya nakita dito.
"Uyy Liam right?" sambit ko.
"Ahh yeah and you are? How did you know my name?" takang tanong niya na mukhang di niya ako nakilala.
"Duhh I'm Andrea yung tinulungan mo sa park dalawang linggo na ang nakakaraan" sambit ko kaya nagulat siya at may hinahanap sa likuran ko.
"Sinong hinahanap mo?" takang tanong ko.
"Ahh baka nandiyan boyfriend mo eh si Brian" sambit niya kaya natawa ako napakunot naman siya ng kilay.
"Ahh he's not my boyfriend kaibigan ko lang iyun" sagot ko.
"Pero nakita ko yung nag walk out siya na mukhang selos na selos" sambit niya.
"Hindi daw siya selos baka pagod lang siya" paliwanag ko.
"Okay sabi mo eh pero mukha talagang nagseselos eh" sambit pa niyang muli.
"Hayaan mo na iyun btw ano palang ginagawa mo dito? Dito ka ba nakatira?" tanong ko.
"No dito ko lang napagtripan na mag jogging ngayon at masaya ako dahil nakita kita" kaya kinilig ako.
"H-ha? Bakit ka naman masaya na nakita mo ako?" nabubulol na tanong ko.
"Wala naman di kasi kita nakausap ng ayus nung nakaraan dahil kay Brian" sagot nito sakin.
"Ahh pagpasensiyahan mo na iyun pagod lang siguro siya non" sambit ko para maiba ang usapan.
"Ahh ganon ba may gagawin ka ba pagtapos mo magjogging or mamayang gabi tara kain tayo sa labas" sambit niya kaya kinilig ako.
"Teka kakakilala lang natin sasama agad ako sayo baka mamaya masamang tao ka pala" sambit ko.
"Sa mukha ko na ito?" turo niya sa mukha niya. "Masamang tao ako HAHAHAH" natatawang sambit niya.
"Baka lang naman heheh" napapahiyang tugon ko.
"Aysus oh sigeh para di ka kabahan papakilala ulit ako sayo I'm Lian Wyatt, 21 yrs old sa Golden Child nag aaral gwapo at higit sa lahat mabait" mahabang lintanya niya. Alam ko namang mabait siya pero syempre iba na din ang sigurado HAHAHA. "And you are?"
"Oh wait pati ba ako HAHHAHA ako si Sapphire Andrea 20 yrs old sa Sacred nag aaral" sambit ko. "Wait diba sabi mo sa Golden ka nag aaral edi makakalaban kayoo ng basketball namin at ng soccer ang school niyo?" tanong ko kaya tumango lang siya bilang tugon.
"Oo kami nga kasali ako sa basketball team kaya baka magkita tayo doon" sambit nito. "Kasama ko yung lalaking kasama ko nung nakaraan" sagot niya pa pero di ko na mataandaan kung sino iyun.
"Huh? Sino yun?" takang tanong ko.
"Ahh basta ayaw niya ng pinapasabi name niya eh kaya kalimutan mo na lang" sagot nito.
YOU ARE READING
Waking up in Misery
RandomThere's a girl living in a small village, she's so beautiful and kind but her life seems so opposite in her appearance. She was abandoned by her family and now she's living all alone. She learned to live all by herself, explore about life and faced...