Chapter 6: Meet

22 6 8
                                    

Maagang nambulabog si Jayron akala mo Intsek ampotekk maagang nanliligaw jowk bawal pala.

Ala sais pa lang nandito na si Jayron pinapakiusapan ako na suotin daw yung pinatahi niyang uniform kapag nanood ako sa laro nila last day na ng mga palaro ngayon dahil bukas ay bigayan na ng mga Trophies at Medals para sa mga nanalo.

"Uyy Xea suotin mo ito mamaya ah" pakita niya ng damit na pangbasketball kaso maikli short.

"Ang ikli naman ng short grabe" naiinis na sambit ko pa.

"Ayus lang yan bagay naman saiyo please suotin muna" sambit pa nito kaya pumayag na lang ako kulit talaga.

7:30 na ng mag ayus ako dahil naghiwa pa kami ingredients para sa babaunin namin mamaya. Ang lulutuin ko ay hamunado. Madami na akong lulutuin dahil malakas din kumain sila Brian at Akia.

Habang nagluluto pinabantayan ko muna ang pagluluto kay Jayron dahil maliligo muna kako ako. Pagkapaalam ko ay pumunta na ako sa kwarto ko at nag ayus ng mga gamit ko at susuotin ko na din ang pinapausot sakin ni Jayron. Nakauniform na din siya dahil nagpapractice pa sila.

Natapos na akong maligo at pumunta na sa kusina. Hinahantay na lang kumulo. Inaya ko na din siyang kumain dahil baka di pa siya kumakain.

Nang nasa kalagitnaan kami ng pagkain may tumawag sa CP ko nagulat ako dahil number lang ito sinagot ko din naman.

"Hello Xeanne babalikan kita" sambit sa kabilang linya kaya natakot ako at pinatay ang tawag. Di ko siya kilala. Nagulat ako ng may tumawag muli ngayon si mama na ang tumatawag.

"Hello ma bakit po" - ako

"Kailan ka ba magpapadala wala na kaming pansugal at pagkain ng tatay mo" bunganga agad ng nanay ko sa telepono.

"Ma magpapadala po ako bukas 5k para manahimik na kayo tuwing tatawag kayoo puro bunganga naririnig ko" -ako

"Aba lintek kang bata ka malakas na loob mo sumagot dahil malayo kami sayo" - mama

"Pasensiya na ma pagod lang po talaga ako nitong mga nakaraang araw" sambit ko pa. "Basta magpapadala po ako bukas" sambit ko bago ibaba ang tawag.

Bumalik na ako sa pwesto ko kanina.

"Oh sino tumawag bago si tita?" tanong ni Jayron kaya bumalik sa isip ko ang sinabi nung lalaki.

'Hello Xeanne babalikan kita'

'Hello Xeanne babalikan kita'

Waking up in MiseryWhere stories live. Discover now