I Wouldn't Mind - Twenty Seven

210 2 0
                                    

I WOULDN'T MIND - TWENTY SEVEN

KATHRYN'S POV

Pang-anim na araw na namin ngayon sa Bicol. Nag-aayos na kami ng mga gamit namin, bukas na kasi kami aalis.

"Daniel! Maglibot muna kayo ni Kathryn."

"Okay lang ma?"

"Oo! Huling araw na natin to. Magliwaliw kayo."

"Okay ma! Salamat! Kath mah babe, let's go libot and have date!"

"Yuck, bakla lang."

"Hehehe. Sorry sorry. Lika na."

"HAHAH. Okay!"

Umalis na kami ni DJ. Ayun,  naglibot-libot tulad nga ng sabi ni Tita Karla. Nung mga 5pm na, nakarating kami sa isang ilog na may malapit na gift shop.

"Lika, bili tayo pasalubong." DJ

Pumasok kami sa loob tapos ayun medyo naghiwalay kami. Dun siya sa mga parte ng lalaki tapos ako sa mga babae. Siguro pwede na tong mga friendship bracelets na to. Para kay Jill, Ira at Gela.

Oo, bibigyan ko si Gela, kahit gaano pa ang galit niya sa akin, o kung ano man. Kaibigan ko pa rin siya. Pagkatapos kong mamili para sa kanila dun naman ako sa mga lalaki. Para kay Paulo, Quen at Mico. Siyempre binilhan ko rin si mama at kuya. Pumunta naman ako sa mga couple gifts.

 Halaa. wala akong makita.

"Kath, tapos ka na?"

"Wait lang."

Nilibot ko yung buong shelves ng mga pwede kong ipang-regalo kaso wala talaga. Huhu. Paano na to?

"Kath, kung para sa akin yan, huwag na. Okay na ako."

"Kahit na."

"Wag ng makulit! Magkasama naman na tayo ng anim na araw, yun na pasalubong mo sa akin at isa pa, 5:30 na oh."

"Okaay."

Binayaran na namin yung mga pinamili namin. Pero eto ako, busangot ang mukha. Lumabas na kami dun tapos nagstay ng konti dun sa ilog.

"Uyy Kath. Nagtatampo ka ba sa akin?"

"Hindi. Basta naiinis lang ako kasi wala ako nabili para sayo."

"Sabi na nga ba eh. Kiss mo na lang, masaya na ako dun. Priceless yun eh. Nakatipid ka pa."

"Loko! Iwan kita dito eh."

"WAIT! May ibibigay ako sayo."

May kinuha si DJ sa pocket niya. Bracelet na may naka-imprint na KathNiel. Kinuha naman ni DJ yung left wrist ko tapos nilagay to.

"Isuot mo to lagi ah. Kung pwede wag mo ng tanggalin. Suotin mo to kahit naliligo ka. Tatanggalin mo lang to kapag --"

"Break na tayo."

Bigla na lang nag-iba yung mukha ni DJ. Teka. Anyare?

"ANO?! KATH! Wag naman. Di pa ako ready. Kakabigay ko lang nito sayo oh. Mahal na mahal kita Kath, alam mo ya----"

"HUY ANONG NANGYAYARI SAYO?! AY NASHUNGA. Kinompleto ko lang yung sasabihin mo! Ay nako."

"JUSKO! KINABAHAN AKO! Kung alam mo lang talaga yung naramdaman ko. Wooo!"

I Wouldn't Mind [Fin;Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon