I Wouldn't Mind - Seventeen

241 4 0
                                    

I WOULDN'T MIND - SEVENTEEN

KATHRYN'S POV

( Kathryn! Wag ka ng magdrama diyan. Nabunot mo na si Daniel eh, wala ka ng magagawa. )

Kausap ko si Ms. Jane sa phone. Gamit niya yung phone ni Ira. Ngayon na kasi yung fieldtrip namin pero nandito pa rin ako sa kwarto ko, nagmumukmok. 

"Hindi ba pwedeng makipagpalit?"

( Rules are rules Kath. Once na nalagay na magpartners kayo ni Daniel, there's no more changing. )

Tama si Ms. Jane.. Eh kaso talaga di ako makaget-over. 

"Oy 'nak. Sasama ka ba sa fieldtrip?"

"O-opo."

"Oh labas na diyan! Ihahatid na kita sa school. Nag-aalala na daw si Ms. Jane and friends mo, sabi ni Daniel sa text."

Lumabas na ako ng kwarto ko, tapos sumakay na rin kami ni mama sa kotse. 

To: Jill, Ira, Ms. Jane, Mico, Quen, Paulo, Daniel, Angela

Papunta na ako. Hintayin niyo na lang ako sa may labas ng bus 4.

Is'send ko pa lang sana, bigla akong nagdalawang isip kung is'send ko rin ba kay Daniel at Gela yung text ko...

*message sent to Jill, Ira, Ms. Jane, Mico, Quen and Paulo*

Hindi ko alam pero binura ko yung pangalan ni Daniel at Angela sa s'sendan ko. Sa totoo lang, hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit tuwing nakikita ko silang magkasama nalulungkot na lang ako agad.

"Anak, nandito na tayo."

Bebeso pa lang ako kay mama ng may sinabi siya na ikinagulat ko.

"Anak, masakit talagang makita na may ibang kasama yung taong gusto mo. Kaso problema kasi sayo, hindi mo pa inaamin sa sarili mo na may gusto ka nga sa kanya. Hindi ko alam kung manhid nga ba ang tamang term sayo, pero sana naman anak, huwag kang maging manhid sa sarili mo. Marami kasing naaapektuhan eh. Sige na 'nak, text mo na lang ako kapag pauwi na kayo ah?"

Tumango na lang ako tapos lumabas na ng kotse. Naglalakad na ako papuntang bus 4. 

"Uy Kath!!!!!!"

May sumigaw ba ng pangalan ko? Tss. Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad ng..

"KAAAAAAAAAAATH!!!!!!!!!!!!!!!!!"

The next thing I knew, nakayakap na lang ako sa isang tao. 

"Kath! Ano ba! Magfieldtrip ka muna bago ka magpasagasa sa tricycle!" 

"Mico?"

"Ay hindi, Paulo. Kath naman eh! Pinakaba mo naman ako eh!"

"A-ano bang nangyari?"

"Muntik ka ng masagasa ng trike habang naglalakad ka. Sa susunod kasi, matuto ka namang tumingin sa gilid hindi lang sa harap!"

"S-salamat na lang sa pagligtas sa akin."

"Lika na nga!"

Hinila ako ni Mico paalis dun sa kinakatayuan namin pero habang paalis kami. Nakita ko si Daniel na nakatingin sa amin. Hindi ko alam pero, hinigit ko yung kamay ko kay Mico. 

Kathryn, ano na bang nangyayari sayo?

Napatigil si Mico sa paglalakad dahil nga sa paghigit ko sa kamay ko.

I Wouldn't Mind [Fin;Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon