I Wouldn't Mind - Three

422 2 1
                                    

Dedicated to her. Hi Ira. Sorry nadamay ka pa dito. HAHAHAHHA Pero nandito ang bebe Enrique mo! Yiie. 

I Wouldn't Mind - Three

IRA'S POV

 

"Bebe Kath, tignan mo si Bebe Enrique oh! Ang pogi niya!" Sabi ko kay Kath habang nakita ko ang crush ko na si Enrique Bacay na tumatakbo hanggang gym. Siguro may training nanaman to ngayon. MVP kasi yun, may game kasi yung school siguro. Haha ewan ko ba. Basta madalas nasa gym lagi yan.  

"Tigil tigilan mo nga ako sa Enrique mo. Mag-aral ka nga muna!" 

Nako, tinamaan nanaman ng sipag slash sungit slash seryso and slash killjoy powers tong si Kath. Hindi man lang ako samahan titigan si Enrique. Huhu. Dun nga muna ako kay Jill.

"Jill!" Pagkatawag ko pa lang sa pangalan niya, sinalubungan agad ako ng kamay niya. 

 

"OPS! Huwag muna akong istorbohin. Inaayos ko pa ang schedule ko for the week." Ba yan! Di pa nga ako tapos magsalita pinigilan agad ako. 

 

"Ahh okay."

Ano ba yan, daig pa ang artista kung makagawa ng schedule. Huhu kay Gela na nga lang. Pinuntahan ko agad si Gela sa labas ng classroom. Nasaan kaya yun? Free time kasi naming mga seniors, may meeting yung mga teachers namin kaya kung saan-saan napapadpad ang mga estudyante.

Pagdating ko sa may outdoor basketball court ng school, nakita kong nakatago si Gela sa may puno at nakatingin lang kay Daniel na nagpupunas ng pawis. Si Daniel kasi dating varsity yan, siguro tinamad kaya ayan, palaro-laro na lang sa intrams. 

Wait lang ang daldal ko, malapitan na nga si Gela.

"Uy Gelabebs. Baka matunaw niyan si Daniel sa mga titig mo." Pang-aasar ko sa kanya. Tinamaan nanaman siguro to ng Daniel vibes. Yun tawag namin kapag na-aattract kami sa isang lalaki. Halimbawa ako, Enrique vibes. 

"Sana nga ako naman ang matunaw sa mga titig niya. Hindi siya." 

Ha? Ano daw? Narinig niyo ba?

"May sinasabi ka ba Gela?" 

"Ha? W-wala! Hehe. Oh, ba't ka nandito?" Gulat na sagot ni Gela. Hmmm nakakacurious naman to. 

I Wouldn't Mind [Fin;Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon