I WOULDN'T MIND - THIRTY ONE
KATHRY'S POV
"Babes, saan yung hospital ni Gela?"
( Bakit ka pupunta dun? )
Nakakapagtaka naman yung tanong nito. Bakit, bawal ba ako dun?
"Diba may sakit si Angela?"
( Paano mo nalaman yun? Sino nagsabi sayo? )
"Hoy ikaw, nagtataka na ako sayo ah! Ba't ganyan ka magtanong? Bawal ba ako dun? Sabihin mo lang, hindi na ako tutuloy."
( Wala lang. Sa Makati Med siya naka-confine. Tanong mo na lang sa nurse kung saan kwarto niya. Nakalimutan ko. May gagawin pa ako, bye. )
"By--"
*toot toot*
Bastos naman. Makapunta na nga lang.
---------------------------------------------
HOSPITAL
"Magandang araw po, saan po yung room ni Ms. Villanueva po?"
"Sa third floor po siya ma'am, sa room 321."
"Ahh. Sige po, salamat."
Agad-agad akong umakyat. Dinalhan ko lang naman siya ng Buko shake at pinya. Paborito niya to eh. Pagkarating ko sa tapat ng 321, kumatok kaagad ako.
"Pasok!"
Si Angela nga. Binukas ko na yung pinto.
"Kath!"
"Gela.."
--------------------------------------------
Lumabas kaagad ako ng room niya.
Mas lalo na akong naguguluhan. Dapat ko bang gawin yun?
Ayokong may masaktan.
*ring*
Kinuha ko kaagad yung phone ko habang nagpupunas ng mga luha ko.
Bakit kaya tumatawag to si Jill?
"Jill!"
( Kath, si.. )
"Si ano?"
( Wala na... siya... *sobs* )
"Sinong siya?!"
( Si P-Paulo w-wala na. *sobs* )
"ANO?!"
------------------------------------------------------
JILIANNE'S POV
Nandito ako ngayon sa park namin ni Paulo. Sana magkaayos na kami dito. Handa ko ng tanggapin na sila na ni Lorraine. Handang handa na ako.
Pero kanina pa ako nandito eh. Ano ba yan. Dalawang oras na ako nandito. Naka-ilang tawag na ako kay Paulo, ni-isa wala siyang sinasagot.
Makaalis na nga. Habang naglalakad ako paalis ng park, may naramdaman ako. Malamig na hangin. Hangin na yumakap sa akin. Ang init ah, bakit biglang lumamig?
BINABASA MO ANG
I Wouldn't Mind [Fin;Editing]
FanfictionMeet Kath. A girl whose world is torn between her friends and lovelife. Can she face forever with the one she loves when her own friends are the reason to stop them from their forever? Written by: © Isabela Paraso © All Rights Reserved. 2012.