I WOULDN'T MIND - EIGHTEEN
ENRIQUE'S POV
Nasa loob ako ngayon ng bus. Kakatapos ko lang kasi tumakbo, kaya ayun, nagpapahinga.
*bzzt*
From: Paulo Q.
Dude, asan ka? Baka hanapin ka bigla sa akin. Balik ka na dito.
To: Paulo Q.
Nasa bus ako. Magpapalit lang ako ng damit, babalik ako diyan.
*message sent*
Nagpalit na ako ng shirt. Pawis na kasi ako. Palabas pa lang ako ng bus, ng may nasagi akong bag.
"Hala."
Nahulog yung mga gamit sa bag, siyempre pinasok ko ulit yung mga gamit sa loob ng bag.
"Ano toh?"
May nakita lang naman akong nakabaliktad na picture na may nakasulat sa likod nang..
CARMEL AND ENRIQUE.
Picture taken before their first date w/o companions.
Hindi ko alam, pero nakaramdam ako ng kaba. Binaliktad ko yung picture..
Ano toh?! Kami ni Ira?! Sino yung C-car---- Aray! Bigla sumakit yung ulo ko. Napayuko na lang ako sa sakit. Ano nanaman tong nakikita ko?
SUDDEN FLASHBACK.
"Carmel! Dali, papicture tayo. Remembrance."
"Remembrance? Para san?"
"I mean, palatandaan na ito yung araw na nagdate tayo ng walang bantay."
"Ahh. Sige. Ma!!!"
END OF SUDDEN FLASHBACK.
Nawala yung sakit ng ulo ko. Si Ira ang...
Ang girlfriend ko.
Matagal ko ng naalala na may karelasyon ako noon, hindi ko nga lang nakikita yung mukha nung babae. Kapag nananaginip ako nun, may naririnig akong Carmel. Laging may apoy yung panaginip ko. Kinuha ko yung picture tapos lumabas na para bumalik dun.
"Quen, anong ginag--"
"Carmel?"
Natawag ko bigla si Ira na Carmel. Nagulat naman ako sa tinanong niya.
"Naaalala mo na ako Quen?"
Nung tinanong niya yun, naglakas loob na ako na tanungin siya.
"Carmel, ikaw ang girlfriend ko diba?"
Natulala na lang si Ira dahil sa tanong ko. May mali ba sa tanong ko? Bakit nagkakaganyan siya?
"Ira? Okay ka lang? May nasabi ba ako?"
"W-wala! Haha!"
Bigla siyang nagwalk out. Fck. Anong ginawa ko? Tumalikod ako tapos kinuha yung kamay niya.
"Okay ka lang ba?"
Hindi lumingon si Ira.
"Ira --"
"Dude! Hinahanap ka ni Paulo."
Dumating bigla si Daniel at inagaw ang atensyon ko kaya nabitawan ko yung kamay niya. Umalis na ako at bumalik kayla Paulo.

BINABASA MO ANG
I Wouldn't Mind [Fin;Editing]
Hayran KurguMeet Kath. A girl whose world is torn between her friends and lovelife. Can she face forever with the one she loves when her own friends are the reason to stop them from their forever? Written by: © Isabela Paraso © All Rights Reserved. 2012.