I Wouldn't Mind - Special Chapter 2

225 0 0
                                    

I WOULDN'T MIND - SPECIAL CHAPTER 2

SOMEONE'S POV

"MY LABS!!!" Sinalubong kaagad ng yakap ni Enrique si Ira na kakarating lang ngayon sa bahay nila Mico at Julia. 

"Ba't ang tagal mo ha?! May lalaki kang kasama nanaman noh? May nahanap ka ng kapalit ko?!" 

"GRABE KA NAMAN!! Na-traffic lang naman ako!" Pinisil ni Ira ang cheeks ni Enrique. Habang naglalambingan pa ang dalawa tumakbo kaaagad si Jude papunta kay Ira.

"Ninang! Kanina pa kita hinihintay! Gift ko nasaan?!"

"Ikaw talaga Jude! Kahit kailan! Kiss ko muna!"

Hindi na nagdalawang isip pa si Jude, agad niyang hinalikan ang kanyang ninang sa pisngi at niyakap pa ng mahigpit. Mga bata talaga, basta regalo ang lakas manlambing!

Sobrang proud talaga ako sa dalawa kong kaibigan na ito. Kasi, kahit na iba ang mahal ni Quen, pinanindigan niya pa rin sila Julia at EJ. Naging mabuti siyang kaibigan at ama.

At kahit na anak ni Quen si EJ sa iba, minahal pa rin siya ni Ira.

Kaya ulit sila pinagtagpo ng maze eh. Tulad nga ng sabi ni Quen. Our story ended with a maze, and it will start again with another one.

----------------------------------

ENRIQUE'S POV

One year ago...

"Ju! Free ka ba ngayon?" Nandito ako ngayon sa bahay nila Julia, dinaan ko lang si EJ sa kanila. 

"Ano to ha, bakit dala mo na si EJ? Sunday pa lang ngayon ah." Tuwing Friday ng gabi hanggang Monday ng umaga sa akin si EJ. Napaaga lang talaga ngayon yung paghatid ko dahil may pupuntahan pa ako.

"Pupuntahan ko sana yung maze ngayon. Kung okay lang sana na.."

"Oo na, sige na. Text mo na lang ako kapag nagkasunog ulit ha."

"Sira."

I Wouldn't Mind [Fin;Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon