I WOULDN'T MIND - THIRTY EIGHT
KATHRYN'S POV
Magkatabi kaming nakatayo ni Daniel sa likod. Ang tagal naman kasi, table 24 pa lang yung pinapalakad nila. Hindi naman sa naaatat na akong mag-prom pero eto kasing mga to, hindi man lang kami kausapin. Ang awkward tuloy.
Dahil sa sobrang hindi ko na kaya pa tong katahimikan na to, nagsalita na ako.
"Kath/Daniel."
Ano ba yan nagsabay pa kami! Mas nakaka-awkward to, jusko po. Huminga muna ako para masignal siya, na siya na maunang magsalita.
Ilang segundo na ang nakalipas, hindi pa rin siya nagsalita kaya ako na lang siguro.
"DJ lang./Kumusta ka na?" Siya/Ako
Napakamot na lang ng ulo si DJ habang napayuko ako at sinampal yung mukha ko. Pagtanggal ko sa kamay ko sa mukha ko, napatingin ako sa kamay niya. Hindi ako makapaniwala, suot niya pa rin yung singsing.
Hayyy, buti na lang di ko sinuot yung akin, mas nakaka-ilang yun pero palagi ko yun bitbit. Minsan gagawin ko siyang kwintas o kaya nasa bag ko lang. Pati ngayon dala ko, nasa loob lang siya ng purse ko.
"Eto nga pala yung corsage mo."
Di ko inexpect na kukunin niya yung kamay ko. Parehas na nanginginig mga kamay namin. Ganito ba talaga feeling na hawakan mo ulit yung kamay ng taong pinakawalan mo?
Sinubukan kong pigilan yung nginig ko habang dahan-dahan niyang nilalagay yung corsage sa wrist ko. Natapos na niyang ilagay yung corsage, pero hawak pa din niya yung kamay ko. Sa hindi inaasahan na pagkakataon, sabay kaming napatingin sa isa't isa.
"Table 28, get ready!"
Kahit na sumigaw na yung coordinator ng event na to, hindi pa rin naalis yung mga titig namin.
"Sorry but, kissing is not allowed." Jill
We came back to our senses nung narinig namin yung sinabi ni Jill. Ayoko na sanang umiwas pa sa tingin niya na yun, I miss his eyes so much.
"Get ready na daw. Chill lang kayong dalawa, wag masyadong tense okay? You have the whole night to stare at each other." Sabi ni Ira sa amin habang inaayos ang bow tie ni Quen sa suit niya, ramdam kong nagpipigil lang siya ng tawa.

BINABASA MO ANG
I Wouldn't Mind [Fin;Editing]
FanfictionMeet Kath. A girl whose world is torn between her friends and lovelife. Can she face forever with the one she loves when her own friends are the reason to stop them from their forever? Written by: © Isabela Paraso © All Rights Reserved. 2012.