I Wouldn't Mind - One

1.8K 5 3
                                    

 

I Wouldn't Mind - Chapter One

 

KATHRYN'S POV

 

"Before I start my lesson, let me tell you some details for your project." Sir Ryan

Sabay sabay na nagreact ang mga kaklase ko. Haay. Project nanaman. Kaya lang naman kasi nagpapagawa ng project ang mga teachers, wala na kasi silang maisip na pandagdag ng grade namin.

'Yang teacher na nagsasalita ay si Sir Ryan. Siya ang bagong music teacher namin sa school na to. Bagong teacher, siyempre uto-uto. Hahaha joke lang.

"Huwag kayong mag-alala seniors. Eto lang ang project niyo for this subject."

"Sir, baka naman mahirap yan ah!" Angela

Hephep! Pause muna. Pakilala ko lang sa inyo si Angela.

Yan si Angela Marie V. Haleco, we call her Gela. Ang pinakatahimik sa aming apat, pero kapag nasa mood yan, daig pa ang nakakain ng sampung megaphone. Nung una, bago pa nabuo ang grupo namin, ako ang pinakaclose niya. Close pa rin naman kami ngayon pero mas nagiging malapit siya ngayon kay Ira. 

"Don't worry Ms. Haleco, hindi naman to ganun kahirap. All you have to do is to compose a song."

"Tungkol saan naman sir?" Jill

Okay pause ulit.

Yan ay si Jilianne Ashley D. Lopez, we call her Jill. Ang pinakamisteryosong tao sa grupo na to. Oo, seryoso talaga. Kung makapagsalita yan kala mo namuhay nung panahon nila Rizal. Pero siya ang tipong kaibigan mo na kahit ano pa ang gawin mo, hindi ka niya iiwan. Siya ang pinakaclose ko ngayon.

"Good question. Ngayon, ang lyrics ng magiging kanta niyo ay yung mga gusto niyong sabihin sa isang tao."

 

"Who's the certain person?" Ako

"That depends on your choice Ms. Santos. For example you want to make the song for a special someone."

"Are we going to perform this infront of an audiene?" Lyle

He's a classmate of mine, obviously nasa isang class kami. And we're not that close.

I Wouldn't Mind [Fin;Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon