I Wouldn't Mind - Five

330 0 0
                                    

I Wouldn't Mind - Six

JILIANNE'S POV

 

"Paulo." Yun lang ang nasabi ko kapalit ng dalawang taon na kailangan niya ng sagot. Pakiramdam ko sasabog na tong puso ko sa gulat. Hindi ko naisip na magkikita pa rin kami, akala ko hindi na. 

"Puro na lang ba Paulo ang sasabihin mo? Wala man lang ba na 'sorry'?" Sinamahan niya ng galit na tingin ang mga sinasabi niya sa akin ngayon. 

 

I'm sorry Paulo na nasaktan kita, at naging ganyan ka, pero I'm sorry, hindi pa ako handa na sabihin  sayo ang dahilan kung bakit kita iniwan.

 

"Bakit ako mags'sorry sayo Paulo?" Nanatili akong matigas sa harap niya. Ayokong makahalata siya na nagsisisi ako sa ginawa ko.

"Dahil iniwan mo ako." Then I heard his voice broke. May tumulo na luha sa mata niya pero pinunasan niya kaagad yun. "Jill please. Isang 'sorry' lang ang marinig ko sayo, totoo man o hindi. Magsorry ka lang." Sabi niya habang nagpapatuloy sa pagpigil sa pagtulo ng mga luha niya. Gusto ko sanang punasan ang mga luha na yun, pero hindi pwede.

"Ano pang silbi kung hihingi ako ng tawad sayo tapos hindi naman totoo?" Pinilit ko ang sarili ko na hindi tumingin sa mga mata niya. Baka mabasa niya kasi ang pagsisisi ko.

"Ganyan na ba katigas ang puso mo?" Ramdam kong nanlalambot na ako, pero hindi pwede Jill. "Ganyan na ba katigas ang puso mo para hindi mo makita o maramdaman na nasasaktan pa rin ako? Na apektado pa rin ako sa nangyari noon?" 

"Past is pa-."

"Ganyan ka naman Jill eh. Puro ka past is past. Sa tingin mo ba makakalimutan ko ang past kung kahit ni-katiting man lang, wala akong alam kung bakit ka nang-iwan." Nanatili ang tingin ko sa ibang direksyon. Kapag nalaman mo kasi ang rason Paulo, baka masaktan ka lang.

 

Buong lakas akong tumingin sa mga mata niya at sinabing "Tumigil ka na Paulo. Sinasaktan mo lang ang sarili mo." 

 

"Bahala ka Jill." Sabi niya habang inaalis ang braso niya na ginawang harang sa daanan ko. "Malalaman ko rin yan. We're classmates right? Sige umuwi ka na."

Umalis na si Paulo. Hanggang ngayon nasasaktan pa rin siya? Inayos ko muna ang sarili ko at saka naglakad hanggang makarating sa bahay. Malayo pa lang natanaw ko na ang nanay ko sa labas ng bahay namin. Winawalis ang mga dahon na nakakalat sa harap.

I Wouldn't Mind [Fin;Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon