I WOULDN'T MIND - THIRTY FIVE
DANIEL'S POV
"Pa, pinasa ko na po pala yung mga requirements sa Zeton University through email, last week. Sure ka bang matatanggap nila yun?"
Nasabi ko na bang aalis ako after prom? Dun na ako mag-aaral ng Architecture. Hindi naman talaga dapat ako sasama dun eh, kaso nakipaghiwalay si Kath.
( Sure na ako, kakasend lang nila ng mail. Teka, basahin ko lang. )
"Sige."
Habang hinihintay ko si papa, inayos ko yung mga kakailanganin ko for the next 2 weeks ng biglang may nahulog sa bulsa ng jacket ko.
Yung singsing na may nakaimprint na Kathryn. Oo, tinapon ko to. Pero binalikan ko to pagkatapos kong bisitahin si Enrique.
Nakakapagtaka nga eh, hindi ko makita yung singsing na nakaimprint yung pangalan ko. Iisang direksyon lang naman yung pinagbatuhan ko. Hindi naman na siguro kukunin ni Kath yun, may Mico na siya eh.
Nagtataka ba kayo kung bakit hindi ako bitter? Haha. Hindi naman talaga dapat eh. Mas pinili ko kasi maging thankful na sa loob ng isang buwan at mahigit naranasan ko kung paano magmahal ang isang Kathryn Santos.
( 'Nak, nandiyan ka pa ba? )
"Opo. Ano na po?"
( Tanggap ka na daw! Mga 3 weeks after may interview ka sa dean ng university. )
"Hahaha. Sige po dad. Salamat po ah."
( Basta para sayo. Next year si JC iinvite mo ha. Nga pala 'nak. )
"Ano po iyon pa?"
( Sana hindi ka lang sumama para may makalimutan ka diyan sa Pilipinas. )
"O-opo. Sige pa, bye na muna."
( Sige. )
*end of convo*
Wala ba talaga akong iiiwan dito?
"Kuya, may party daw si Lois. Iniinvite tayo. Kasama sila Seth, Les at Kats. Sama ka?" JC
"Kelan ba?"
"Ngayon na. Sa bahay nila Lois."
"Sige, bihis lang ako. Teka! Alam na ba ni mama?"
"Oo, siya pa nga nagsabi eh."
"Haha. Sige."
Lumabas na si JC tapos ako nagbihis na. Sinuot ko na rin yung singsing. Wala naman sigurong masama kung isusuot ko to diba?
-----------------------------------------------
LOIS' HOUSE
"Uy Lois, ba't ginawa mo tong open party?" Seth
"Onti lang yung pumunta eh." Lois
"Mamaya may massacre na ditong nakapasok." Kats
"Sobra naman kayo. Gayahin niyo na lang si DJ oh, chill chill lang dun sa may counter." Lois
Rinig kong sabi nila. Hindi naman ganun kalayo yung counter eh.
"Shunga ka talaga. Malamang iinom lang yan diyan, kakabreak lang nila ni ate Kath noh." JC
"Ay ganun ba? Si Les asaan?"

BINABASA MO ANG
I Wouldn't Mind [Fin;Editing]
FanfictionMeet Kath. A girl whose world is torn between her friends and lovelife. Can she face forever with the one she loves when her own friends are the reason to stop them from their forever? Written by: © Isabela Paraso © All Rights Reserved. 2012.