I Wouldn't Mind - Sixteen

247 2 1
                                    

I WOULDN'T MIND - SIXTEEN

DANIEL'S POV

 "Hindi ka naman daw importante sa kanya. Gusto ka lang daw niya na kalandian. Gulat nga ako nung sinabi niya sa akin yun."

Nung sinabi yan sa akin ni Angela, nagpanggap ako na nalungkot. Oo, panggap talaga. Alam ko naman sa sarili ko na inimbento lang niya yun.

Hindi naman ako ganun kabobo para maniwala dun. Alam kong hindi ganun magsalita si Kath at hindi ako pagsasabihan ni Kath ng ganun. Dahil kung naiinis si Kath sa akin, didiretsuhin niya ako. 

Oo, ganun ko talaga kilala si Kath. Gusto niyo bang patunayan ko? Sige ba! Hinahamon niyo ako eh.

Full Name: Kathryn Chandria Manuel Santos

Nickname: Kath

Birthday: October 13, 1995

Birthplace: Our Lady of Lourdes Hospital. Mandaluyong City

Age: Sixteen 

Pero sa isang bagay lang ako palpak.

Sa lovelife background niya.

Hindi ko alam kung sino ba first crush, boyfriend, kiss, hug o kung ano pa. Basta palpak ako diyan! Pero kailanman, hinding hindi ko kakalimutan kung paano ko siya nakilala at kung paano ako nahulog sa kanya.

FLASHBACK.

"Uy pare, nakita mo ba wallet ko?"

"Hindi eh. Ano ba itsura ng wallet mo?" Seth

"Basta black tapos mahaba."

Inikot namin yung buong canteen para mahanap yung wallet kong naligaw ng landas. Hanggang sa napadaan ako sa isang grupo ng mga babae.

"Pare, wallet ko."

"Weh? Baka kamukha lang."

"Hind pare, yun yun eh. Teka diyan ka lang. Pagt'tripan ko lang yung morena dun."

Nilapitan ko yung morena dun. Pero seryoso talaga, akin yung wallet na yun.

"Oh? Kilala ba kita?" Morena

"Miss. Magnanakaw ka noh?" 

"Ano?!"

"Akin kasi yung wallet."

"Seryoso ka? Sige nga, magkano laman nito?"

"P200. Oh ano? Angal ka?"

"Oh edi kunin mo na. Tatawagain mo pa akong magnanakaw eh noh? Tss."

"Totoo naman talaga ah. MAGNANAKAW KA."

"Wow! Parang tinanong ko lang naman kung magkano laman nitong wallet na to para makasigurado na sayo nga to! Pasalamat ka nga at tinago ko pa! Tss. Baka ikaw yung magnanakaw, MAGNANAKAW NG ATENSYON!"

Dahil sa lakas ng boses ng morenang to. Pinagt'tinginan kami ngayon ng mga tao.

"Oh, yan na wallet mo!"

Biglang binato nung morena yung wallet ko. Dahil dun, namula yung mukha ko sa inis at uminit yung dugo ko. Umalis na ako dun tapos lumapit kay Seth.

"Pre, mukhang ikaw yata ang -"

"Tumahimik ka nga diyan! Baka ikaw ang masapak ko eh."

"Chill ka lang pre. Pero HAHAHAHAH! Pare ang bobo mo! Si Kathryn pa pinatulan mo. HAHAHAHHA!!"

I Wouldn't Mind [Fin;Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon