I WOULDN'T MIND - TWO
KATHRYN'S POV
Argh! Ang hirap talagang gumawa ng kanta para sa mga magulang. Eh halos puro sorry at thank you lang ang masasabi ko eh.
"Kath, 10pm na oh, hindi ka pa ba matutulog?" Tanong sa akin ni mommy. Kanina pa kasi ako nandito sa harap ng computer, nagt'type ng pwedeng lyrics sa magiging kanta ko.
"Hindi pa po eh. May ginagawa pa po kasi ako."
"Ahh sige. Ipatay mo na lang yung internet ah."
"Sige po."
Pumasok na si mama sa kuwarto niya tapos ako, eto NGANGA. Bukas na nga lang! Masyado lang talaga akong nashunga ngayon.
Smile Kathryn. I don't like it when you're frowning.
Huy! Bakit bigla ko na lang naalala yun? Bad Kath, erase erase. Makapag-online na nga lang sa twitter.
@santoskath: Who's still up?
Tweet ko haha. Wala na sigurong online, pero malay natin diba? Habang nagbabasa ako ng mga previous tweets ng mga finofollow ko, bigla na lang ako napatigil sa tweet ni Daniel.
@imdanielcastañeda: Hanggang kelan ka ba magiging manhid?
Ewan ko, para bang may kung anong ewan na bigla na lang akong napaisip. Sino nanaman kaya ang babae nito? Hindi na kasi siya ganun humihingi ng advice sa akin eh. Pinuntahan ko na lang yung interactions ko.
Oh! May tweet pala sa akin.
@imdanielcastañeda: @santoskath uy usap tayo bukas. alam mo na yun.
Ahh ayun. Eto na nga, hihingi na ng payo. Hindi ko na sinagot yung tweet niya tapos naglog-out na ako.
----------------
BINABASA MO ANG
I Wouldn't Mind [Fin;Editing]
FanficMeet Kath. A girl whose world is torn between her friends and lovelife. Can she face forever with the one she loves when her own friends are the reason to stop them from their forever? Written by: © Isabela Paraso © All Rights Reserved. 2012.