I Wouldn't Mind - Twenty Nine

211 1 0
                                    

I WOULDN'T MIND - TWENTY NINE

KATHRYN'S POV

Ilang araw ang nakalipas pagkatapos kong malaman ang pangyayari kay Quen and I guess, that hurted Ira's feelings a lot.

Ang problema nga lang, hindi pa nak'kwento sa akin ni Ira ang reaksyon niya o ang buong storya man lamang. Or what I mean is, hindi niya, no. Hindi nila ako kinakausap. 

Si Ira, ayun nga. Sobrang problematic na. Pati grades niya nadadamay. Si Jill, tahimik na lagi. Hindi ko alam kung si Paulo o si Lorraine ba ang problema niya. Basta kapag, lalapitan ko siya, bigla siyang lalayo.

Si Mico, laging tulog. Minsan na lang pumasok. Minsan late, minsan half day. Hindi na rin siya nagpapasa ng mga requirements niya. At lastly, si Angela. Ever since last Periodical Exams, hindi na siya pumasok. Natatakot nga ako eh, baka magdrop na siya.

"Balita ko ikaw yung kakanta sa opening ng prom natin ah." Paulo

Napatingin ako kay Paulo na umupo sa tabi ko. Napaluha na lang ako bigla.

"OH?! Ba't may luha na?!"

"Eh kayo kasi eh!"

"Anong ginawa ko sayo?"

"Hindi niyo kasi ako kinakausap eh. Ilang araw na."

"Kami o ikaw?"

"Ha?"

"Kaibigan o kasintahan?"

"Ano bang sinasabi mo?"

"Diba ang hirap pumili sa dalawa?"

Napatingin na lang ako sa kanya. Hindi ko siya maintindihan.

"May sagot naman talaga sa tanong na yan eh. Yung 'o'. Pwedeng mong hatiin ang sarili mo sa kanila. Ang oras, pagmamahal at importansya mo."

"Pwede ba magstraight to the point ka na lang."

"Oras mo ang kailangan namin ngayon. Yun yon. Kaya ngayon, sino mauuna? Ang kasintahan mong naghihintay sa labas, o sila Ira at Jill na nangangailangan ng kaibigan ngayon?"

Napatingin ako sa labas.

"And I guess, that answers the question. Puntahan mo na boyfriend mo, nakakahiya naman kasi kung paghihintayin mo siya nang dahil sa aming mga kaibigan mo."

He stood up and went back at his place. And here I am walking towards the doorway. 

Does this mean, I have to choose? 

"Kath! Lika dali!"

Forgive me.

"Bakit, ano yun?"

"Pumunta lang ako para sabihin sayo na pumunta ka mamaya sa may classroom natin. Yung minumulto. HAHAH. Okay? Mamayang lunch time."

Nagnod na lang ako tapos tumalikod kaagad. Papasok pa lang ako pero pinigilan niya ako.

"Kath, meron bang nangyayari na hindi ko alam?"

"W-wala. S-sige balik ka na sa classroom."

"Haayy. Basta pumunta ka na lang dun ah."

Nagnod ulit ako. Bumalik na ulit ako sa loob. 

Lalapitan ko pa lang si Jill ng biglang tumayo kaagad siya at lumabas. Tumingin pa lang ako kay Ira pero bigla siyang yumuko at natulog. Si Mico naman may ginagawa. At huli, tumingin ako kay Paulo. But he gave me a smirk.

I Wouldn't Mind [Fin;Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon