I WOULDN'T MIND - THIRTY SEVEN
JILIANNE'S POV
"Okay! Practice na tayo ng entrance!"
Inayos na namin ang mga sarili namin nung marinig namin ang sigaw ng student council president. Walang klase lahat ng mga seniors ngayon dahil may practice kami sa prom.
"Yung mga walang dates, sa likod pumila!"
Dahil wala naman kaming date ni Ira, pumila kami sa likod. Baka bibigyan na lang kami siguro ng date.
Lumapit sa amin si president at parang may hinahanap.
"Pres, may hinahanap ka ba?"
"Meron, si Kathryn nasaan?"
"Wala eh, absent."
"Ay ganun ba? Sino promdate niya?"
Hindi kami makasagot ni Ira, hindi na kasi kami sigurado kung sino na prom date niya. Si Daniel kasi dapat kaso naghiwalay na sila.
"Ako!"
Napatingin kami sa direksyon kung saan namin narinig yung boses na yun. Seryoso ba to?
"Oh sige. Kasama kasi sa benefits ni Kathryn na pumili ng mga kasama niya sa table. Ngayon na kasi yung pag finalized ng tables sa prom wala pa kasi siyang nabibigay na list, since ikaw naman ang date, baka pwede ikaw na lang pumili para sa kanya. Okay ba yun?"
"Sige pres, may papel ka po ba diyan? Kilala ko na po kung sino-sino."
"Ah sige."
Naglabas ng papel at ballpen si pres at inabot yung kay Daniel. Sinulat naman kaagad ni Daniel yung mga pangalan. Pagkatapos niya, binalik niya na ulit yung papel at ballpen kay pres.
Binigyan nga pala ng set of benefits si Kathryn para sa prom dahil straight days siya nagpapractice at kasama din yun sa prize kapag ikaw yung napiling kumanta for prom. Yung benefits niya ay yung kalayaang makapili ng kasama sa table, pumili ng table number, unlimited photo booth passes at yung special services by the hotel. So bale, yung table lang niya yung may waiter.
BINABASA MO ANG
I Wouldn't Mind [Fin;Editing]
FanficMeet Kath. A girl whose world is torn between her friends and lovelife. Can she face forever with the one she loves when her own friends are the reason to stop them from their forever? Written by: © Isabela Paraso © All Rights Reserved. 2012.