I Wouldn't Mind - Twenty One

239 3 0
                                    

I WOULDN'T MIND - TWENTY ONE

JILIANNE'S POV

Paulo, bakit? Bakit ang bilis naman yata?

"Best! Siya yung matagal ko ng gustong ipakilala sayo! Siya si Lorraine! Ang girlfriend ko."

Napaiyak na lang ako sa isang kanto na malapit sa bahay nila Kathryn. Kakagaling ko lang sa kanila, kaso walang tao. Kaya eto ako. Nagd'drama. 

Iyak na lang ako ng iyak. Ang sakit kasi eh. Umasa kasi ako na may chance pa kami, pero wala na pala. Ang sakit.

"Jill?"

Napatingin kaagad ako sa taong nasa harap ko. 

"Uy Kath! Daniel!"

Pinunasan ko na  yung mga luha ko tapos ngumiti. Pilit na ngiti.

"Jill, ba't ka umiiyak?" Kath

"Basta."

"Huwag mo ng itago. Sabihin mo na sa amin." 

"Si Paulo kasi. *sniff*"

"Ano meron kay Paulo?"

"May... may.. May girlfriend na siya."

"HA?! SINO?!" Kath

"Lorraine. Lorraine something. Basta."

"Kelan mo pa nakilala?" Daniel

"Kanina lang. Sa Monday ko na nga lang ikwento sa inyo! Ay nako. Nga pala, si Ira at si Quen."

"Ano?" Kath

"Si Ira kasi, iniiwasan si Quen. Eto namang si Quen, nakita ko sa club, lasing na lasing. Ano kayang nangyari sa dalawang yun? Anyways. Mukhang naistorbo ko yata kayo. Kaya sa Monday ko na lang ikwento. Okay?"

"Ahh. Sige. Jill ah, nandito lang kami para sayo."

Umalis na ako sa lugar na yun, umalis na rin sila. 

Habang naghihintay ako ng masasakyan na trike, naalala ko bigla ang sinabi ng isang tao sa akin.

"Wag lang talaga mawalan ng oras sa akin si Kathryn. Kasi kung mangyayari yun, isang malaking gulo ang gagawin ko."

Eto na nga ba ang kinakatukatan ko.

Sana hindi siya mawalan ng oras sa amin.  

 ----------------------

DANIEL'S POV

"Uy Kath! Ayos ka lang?"

Kanina pa kasi kami naglalakad nito eh. May kalayuan kasi yung binabaan namin kanina, eh ang kulit nito kaya ayan.

"Pagod lang siguro ako."

"Sakay ka sa likod ko."

"Huwag na DJ. Mabigat ako."

"Ayos lang. Dali na."

Lumuhod ako tapos siya naman sumampa sa likod ko. Nang nakarating na kami sa tapat ng bahay nila binaba ko na siya. 

"Sige Kath, uwi na ako."

"Ingat ka ah."

Binuksan na ni Kath yung gate nila, tapos ako naman nakatingin lang. 

I Wouldn't Mind [Fin;Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon