I WOULDN'T MIND - THIRTY TWO
JULIA'S POV
Malapit na akong mag two months na pregnant. One month na halos nakatira si Quen dito sa bahay namin and I have to admit that he really is proving his self to us.
But I know that he has a broken heart. He told me a week after his friend died that Ira let him go. Tough choice.
"Julia, may kailangan ka pa ba? Gusto mo bang pagbalat kita ng papaya?"
"Huwag na Quen, magpahinga ka muna."
"Okay, basta sabihin mo kung may kailangan ka pa."
"Sige."
Papunta pa lang si Quen sa salas ng tumigil ulit siya.
"Enriquee!"
"HAHAH! Sabi na nga ba eh. Oh bakit?"
"Pinagloloko mo ba ako?"
"Hindi ah! Sadyang nakabisado na kita. Na kapag tatalikod ako, after 5 seconds tatawagin mo din ako. HAHAHAH"
"Heh! Dun ka na nga, bwisit to!"
"Di ako aalis dito."
"Oh edi ako ang umalis!"
Pagtayo ko, hindi ko sinasadyang mapalapit ang mukha ko sa mukha niya.
Shet. Ang gwapo.
Ay joke teka, teka.
"Ilayo mo nga yang mukha mo! Nasusuka ako!"
"Sus. Ikaw nga tong lumapit eh. Alis nga, gagamit ako internet."
"Aba! Tse!"
Binelatan ako ni Quen. Tss. Badtrip talaga. Hindi pa ako nakakalayo sa kanya, tinawag niya ako bigla.
"Julia, halika dito. Tignan mo to."
Lumapit naman kaagad ako.
"Tignan mo to oh."
"Ba't gamit mo account ko?!"
"Shunga! Baka nakabukas yan nung uupo pa lang ako. Ay nako. Tignan mo na lang!"
Tinignan ko yung post ng isa kong classmate.
Post:
Heard someone is preggy in our class. Tsk tsk. Patunay na malandi talaga siya.
L'log-out pa lang ako ng may nag-comment.
Comment:
Oo nga! Magdrop na sana siya noh. Nakakahiya siya! Balita ko nga, binayaran siya nung lalaki eh.
Bago ko pa mabasa ang mga susunod na comments, nag log-out na ako. Gusto ko ng ipalaglag tong batang to! Arrgh! Dali dali akong pumunta sa kusina at binuksan yung ref.
"JULIA! Anong gagawin mo?! Ba't ka naglabas ng rum diyan!?"
Nilapitan kaagad ako ni Quen at inagaw sa akin yung rum.
"Enrique ano ba! Akin na yan!"
"Hindi!"
"Pwede ba huwag kang makielam! Gusto ko ng malaglag tong batang to!"
Dahil sa nasabi ko, galit na inabot sa akin ni Quen yung bote.
"Oh edi inumin mo na yan! Ilaglag mo na! Gusto mo diba?! Gusto mo manigarilyo ka pa! Putek Julia! Dahil sa isang post na yun ipapaabort mo na anak natin?!"

BINABASA MO ANG
I Wouldn't Mind [Fin;Editing]
FanficMeet Kath. A girl whose world is torn between her friends and lovelife. Can she face forever with the one she loves when her own friends are the reason to stop them from their forever? Written by: © Isabela Paraso © All Rights Reserved. 2012.