I Wouldn't Mind - Thirty Three

197 0 1
                                    

I WOULDN'T MIND - THIRTY THREE

ANGELA'S POV

"Mico, Mico. Gising."

"Hmm. Bakit?"

"MICO! Gising! Tawagin mo si Doc."

"Bakit ba? Anong meron?"

"Nagdudugo ilong ko."

Narinig pa lang ni Mico na sinabi kong nagdudugo ang ilong ko, bumangon kaagad siya at lumapit sa akin.

"Shit! Ba't ang dami?!"

Lumabas kaagad si Mico. Habang pinupunasan ko yung ilong ko, nagtext bigla sa akin si Kathryn.

From: Sis Kath

Gela, gagawin ko na ang gusto mo. Sana mabalik na ang dati nating pagkakaibigan.

Nanlaki yung mata ko sa text niya.

To: Sis Kath

Kath! Huwag! Huwag mo ng gawin!

Hindi ko na napindot yung send button dahil biglang dumating si Doctor Millare.

Kath please, huwag mo ng ituloy. 

------------------------------------------------------

DANIEL'S POV

Nandito na ako sa tapat ng school, hinihintay si Kath. Dala dala ko na din yung regalo ko sa kanya. Singsing lang naman na may naka-imprint.

Haayyy. Mag-iisang oras na wala pa rin siya, matext nga.

To: Kath <3

Nandito na ako. Nasaan ka na? Ingat ka ah. I love you :*

*message sent*

After 30 minutes may natanaw ako na naglalakad papunta sa school. Si Kath na siguro to. Tumayo ako. Wala siyang regalo? Hayaan na nga yun.

"Kath!!!"

Niyakap ko kaagad siya. Siyempre namiss ko to noh. Pero binitawan ko kaagad siya, kasi hindi niya ako niyakap. 

( PLAY THE MUSIC AT THE SIDE ---------------- > )

"Kumusta ka na? Bakit hindi ka man lang nagt'text o tumawag man lang? May problema ba tayo?"

"...."

"Uy sumagot ka naman. Ayaw ko ng ganito. Ayokong nag-aaway tayo Kath."

"........."

Kinakabahan na ako. Kinuha ko yung wrist ni Kath. 

"Oh, nasaan yung bracelet na binigay ko sayo? Ba't tinanggal mo?"

"......."

Hindi siya sumasagot. Tinignan lang niya ako.

"Kath? Are you alright?"

Tangina. Wala pa rin. Last na to.

"Eto nga pala yung gift ko sayo. Ring. Naka-imprint yung pangalan ko diyan. Tapos etong singsing na suot ko, name mo naman ang naka-imprint. Couple ri----"

"Itigil na natin to."

"Hindi pa to yung mismong wedding ring natin ah. *sniffs* Kahit eto na lang yung itago mo. Okay lang na mawala yung *sniffs* yung bracelet. Alam ko naman na nagtampo ka sa akin dahil dun. *sniffs* Aiissh, ano ba to. Ba't ba ako sinisipon?"

I Wouldn't Mind [Fin;Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon