I Wouldn't Mind - Fourteen

230 0 0
                                    

I WOULDN'T MIND - FOURTEEN

KATHRYN'S POV

"Kath, okay ka lang ba talaga? Ba't parang tulaley ka?" Ira

Nag-aalalang tanong sa akin ni Ira. Kanina pa kasi akong wala sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit, pero iba talaga yung naramdaman ko nung nakita ko sila sa library na magkasama. Siguro hindi lang ako sanay na makita silang magkasama. 

Hindi eh. Kakaiba talaga.

"Huy Kath!!!"

Napatingin na lang ako kay Ira na kanina pa ako tinatanong. Nginitian ko na lang siya.

"Oy Kathryn Santos! Hindi mo ako madadaan diyan sa mga ngiti mo."

"Ayan kasi lumingon ka. Anong nangyari? Nung hinanap mo saka nawala sa harap mo. Tsk tsk." Jill

Tumingin lang ako kay Jill. Oo alam ko, may kinalaman yung pinagsasabi niya dun sa text niya. Hay nako. Pero alam mo yung mas weird? Hanggang ngayon, hindi pa rin kinakausap nila Ira at Angela etong si Jill. Weird diba? 

"Alam niyo, kesa problemahin o gawan niyo ng issue ang pagiging tulaley ko ngayon, mag-usap na nga kayo! Hay nako. Maiwan ko nga muna kayo diyan."

Tumayo na ako tapos lumabas. Grabe. Ten minutes na lang magt'time na pero wala pa rin si Angela. Okay lang ba si Daniel? Medyo hindi kami nagpansinan pagkatapos nung nangyari sa may Gelatissimo. Malay ko ba dun. May attitude o behavior malfunction yata yun eh.

Pero ang tagal ni Angela eh. Algebra pa naman yung next class namin, ayaw pa naman ni Sir Robert na may nal'late sa class niya. Papasok pa lang ako nang may narinig ako mga boses.

"Sige Daniel, kung may gusto ka pang malaman, itanong mo na lang sa akin ah."

"Oo ba. Salamat Angela at may nalaman ako. Dapat pala hindi ako nagpakatanga sa kanya. HAHA. Masarap ka pala kasama eh."

"Friends na tayo ah?"

"Sige! Mauna na ako ah? See you around!"

"Ikaw din."

Bago pa ako maabutan dito ni Angela, daig ko pa si Flash na pumasok sa classroom at bumalik sa puwesto ko. Ano kaya yung pinag-usapan nila? Nac'curious na talaga ako. 

"Kath, ayos ka lang ba?" Jill

"Ah, oo. Huwag niyo na muna akong pansinin."

"By the way, skyway. Magkaayos na nga pala kami ni Ira. Si Angela na lang. Mamaya may sasabihin ako sayo ah? Kahapon kasi hindi kita macontact."

"Ah sige."

Tumahimik na yung buong klase ng pumasok na si Sir Robert. Nagreview lang kami kasi malapit na yung periodical test namin. Mamaya maya dinismiss na niya kami tapos pumasok na yung last teacher namin. Si Ms. Malyn. Ayun discuss naman sa El Fili.

Tapos eto na, dismissal na at ganun pa rin ako. Emotionless. Kasama ko naman ngayon sila Jill at Ira. 

"Ano nga pala yung sasabihin mo?" Ako

"Since alam naman na ni Ira to.. Sayo ko na lang is'share."

"Ano na nga?"

"Naaalala mo pa ba yung kwento ko sa inyo noon sa may park?"

"Yung kung ba't mo iniwan si Paulo, kasi may sakit ka."

I Wouldn't Mind [Fin;Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon