I Wouldn't Mind - Ten
KATHRYN'S POV.
"Uy Kath! Tahan na. Baka isipin nung mga tao ako yung nagpaiyak sayo!" Daniel
"WUAAAAAAAAAAAAAAH!" Ako
"Grabe naman yung lalaki oh. Pinaiyak yung babae."
"Baka nahuling may kabit. tsktsk."
Rinig kong sabi ng mga tao na dumadaan sa amin. Anong paki nila kung umiiyak ako!? Tinuloy ko pa rin yung iyak ko. Si Daniel naman nagp'panic na.
"Hinaan mo na lang iyak mo please? Okay lang kahit mabasa yung suot ko. Huwag lang ako magpahinalaan dito dahil sa lakas ng hagulgol mo. Nakakahiya kaya!"
Siyempre nahiya naman ako, hininaan ko na yung pag-iyak ko. Makalipas ng ilang minuto, tumigil na ako.
"Matanong nga. Anong nangyari at umiyak ka?"
Huminga ako ng malalim, para hindi ako humagulgol nanaman.
"Ngayon lang kasi sinabi ni Jill na nagkaboyfriend na siya kung kelan kumakalat na. Eh masyado ko kasi siyang pinagkatiwalaan. Kaya ayun. Ang sakit pala noh? Malaman yung totoo lalo na kapag sa iba mo nalaman."
"Ang babaw naman Kath."
"HA? Mababaw yun?!"
"Oo Kath. Bilang kaibigan ni Jill, tatanggapin mo yun kahit na masakit. Kasi kung kaibigan ka talaga niya, hindi mo siya iiwan."
"Yun naman talaga ang ginagawa ko eh. Kaso kasi, sa tagal naming magkaibigan, may tinatago na pala siya akin o sa amin."
"Sa bagay."
"Sige Daniel, salamat at dinamayan mo ako kahit pinaghihinalaan ka na ng mga tao."
"Teka! Saan ka pupunta?"
"Uuwi na. Bakit?"
Tumayo si Daniel tapos inalok yung kamay niya. Tinignan ko lang yun. Aba, ano bang gagawin ko?
"Baka may surpresa ako sayo. Ay joke!"
Tinakpan kaagad ni Daniel yung bibig niya. Ano daw? Surpresa? Hinawakan ko na yung kamay niya tapos hinawakan niya yun ng mahigpit. Hinila naman niya ako papunta sa isang place na mukhang konti lang yung mga pumupunta.
Bigla niyang tinakpan yung mata ko gamit ng tela.
"Diyan ka lang muna ah. Kapag sinabi kong tanggalin mo yung panyo, tanggalin mo ah?"
Nag-nod ako tapos naghintay ng kung ano pang mangyayari.
"Sige Kath. Tanggalin mo na."
Huminga muna ako ng malalim saka tinanggal yung panyo. Pagkamulat ng mga mata ko, bumulaga sa akin si Daniel na may hawak na teddybear na may suot na batman t-shirt.
"Surprise!!!!!!! Happy Birthday Kathryn!!!!" Daniel
Hindi ko alam kung anong hangin ang dumaan sa katawan ko, bigla na lang akong lumapit sa kanya tapos hinalikan ang pisngi niya.
"Thank you Daniel."
Sabi ko sa kanya sabay ngiti. Kukunin ko sana yung teddybear kaso bigla na lang niya akong niyakap.
Eto nanaman ako.
Bakit ba kasi tuwing kayakap, katawanan o kasama ko tong si Daniel, parang lahat ng problema sa buhay ko, nawala? Kakaiba talaga eh. Yung lumulundag yung puso ko tuwing kasama ko siya. Yung abot hanggang milky way yung ngiti ko. Haay ewan ko. Basta kakaiba talaga.
BINABASA MO ANG
I Wouldn't Mind [Fin;Editing]
أدب الهواةMeet Kath. A girl whose world is torn between her friends and lovelife. Can she face forever with the one she loves when her own friends are the reason to stop them from their forever? Written by: © Isabela Paraso © All Rights Reserved. 2012.