I Wouldn't Mind - Seven

288 1 0
                                    

I Wouldn't Mind - Seven

DANIEL'S POV

Arrgh! Ang sakit ng ulo ko.

Tatayo pa lang sana ako ng nakaramdam ako ng pananakit ng katawan. May lagnat yata ako. Hinipo ko yung leeg ko. Mainit nga. Ang sakit talaga ng buong katawan ko pero walang tatalo sa nararamdamang sakit ng puso ko.

Chineck ko yung phone ko kung may mga nagtext nga. Meron nga, puro si Kath. 26 Messages at 4 Missed Calls. Rereplyan ko ba to? Tatawagan ko ba?

Magt'type pa lang ako ng naalala ko yung sinabi sa akin ni Jill kagabi. 

"Hayaan mo siyang lapitan ka. Sa paraan na ganun, malalaman mo kung importante ka ba sa kanya."

In-off ko na yung phone ko tapos humiga lang. Grabe, ang sakit talaga nun. Pinaghintay niya ako sa ulan. 

FLASHBACK.

3PM. LUNETA PARK.

"Uy Jill, malapit ka na ba sa kanila?" Ako

Kausap ko si Jill sa phone. Nagp'panic na kasi ako eh. HAHA.

( Oo, malapit na. Kalma ka lang diyan bro. )

Binabaan na ako ni Jill. Umupo na lang ako sa may table na sinet-up ko. Makalipas ng 15 minutes tumawag ulit siya.

( Bro! Bad news. )

"HA? ANO YUN?!"

( Wala na si Kath sa bahay niya, sabi ni Tita Min. Isang oras na daw sila wala ni Angela. )

"Teka?! Saan pumunta yun?"

( Aba malay ko. Baka diyan dinala ni Angela. Sinabihan mo ba si Gela kung saan lakad mo ngayon? )

"Hindi pero.."

( Pero ano? )

Napaisip ako bigla. Bago kasi ako umalis ng bahay, nagtweet ako mga bandang 11:55am. Nagtweet ako na 

@imdanielcruz: otw to Luneta Park. #out

Nakita ko sa interactions ko na, finavorite ni Angela yung tweet ko na yun. Hindi kaya..

"Nagtweet kasi ako na pupunta ako ng Luneta ngayon, bago ako umalis. Finavorite ni Angela."

( ANO?! Hala ka. Hindi naman sa sinisiraan ko ang kaibigan ko pero, gagawa ng paraan yun para hindi makapunta si Kath diyan. )

Kinabahan ako sa sinabi ni Jill. Bakit ganun? Kaibigan ni Kath, tinatraydor siya? Bakit?! Binabaan ko na si Jill at natulala na lang ako.

Lord, sana makapunta si Kath. Please lang.

-------------------------------

7:25PM. 

7:25 na. Wala pa rin si Kath. Eto ako, basang basa sa ulan. Walang masisilungan, walang malalapitan. Dejoke.

Pero seryoso, basang basa na ako sa ulan. Aalis na ba ako? Nagtext kasi sa akin si Jill na huwag na raw ako maghintay. Hayaan ko na lang daw muna siya. Teka, pahintay ng 3 minutes. Baka dumating pa.

7:28 na, wala pa rin siya. Uuwi na nga ako. 

END OF FLASHBACK.

*bzzt bzzt*

I Wouldn't Mind [Fin;Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon