I WOULDN'T MIND - ELEVEN
KATHRYN'S POV
Kakababa lang namin ni Daniel sa jeep, kaya eto kami, naglalakad papunta sa bahay ko.
"Alagaan mo tong little batman bear na to ah." Daniel
"Ang baduy mo talaga noh? Little Batman Bear ka pa diyan. Korny mo. Uwi ka na nga." Ako
"Oh edi akin na si LB kung hindi mo pala siya aalagaan."
"LB? Ang korn--"
"Kathniel. Alagaan mo si Kathniel para sa akin ah? Sige Kath, uw--"
Bago pa man umalis si Daniel, bigla na lang bumuhos yung ulan.
"Uy si Kathniel!! Baka mabasa!" Daniel
"Ayy oo nga!"
Dali-dali kaming tumakbo dun sa may isang bahay na malapit sa bahay namin.
"Teka. Check ko lang kung bukas yung gate." Ako
Pinasa ko si Kathniel sa kanya tapos tumakbo ako papunta sa may gate ng bahay namin.
Hala. Bakit naka-lock to? OO NGA PALA. Si Mama nasa reunion party nila. Paano na to?
"Daniel! Naka-lock! Wala nga pala si mama! May reunion nga pala siya!"
"Yung susi? Nasaan?"
Aiish! Ang bobo ko!
"Na kay mama. Sabi ko kasi kay mama kanina maaga ako uuwi. Baka nakalimot na huwag i-lock yung gate. Uwi ka na lang Daniel, okay na ako"
"ANO? Hindi kita iiwan dito Kath!"
"Ikaw bahala."
Bumalik na ako dun sa may sinisilungan namin. Bakit kasi, makakalimutin si mama?! Hay nako.
Pati birthday ko kinalimutan niya. Dejoke. Promise niya sa akin sa Saturday or Sunday daw siya babawi. HAHAHA.
Tumingin ako sa may watch ko. 9pm na. Nako. Baka gabihin to si Daniel. Tigas kasi ng ulo eh.
"Kath. Bored na ako. Sayaw tayo."
"Nasisiraan ka na ba ng ulo? Ang lakas pa ng ulan oh. Baka magkasakit ka nanaman."
"Ayos lang. May experience naman na akong maligo sa ulan, salamat sayo Kath."
"Pwede wag na tayong bumalik sa topic na yan? Kakabati lang natin ibabalik mo nanaman yan."
"Sayaw na lang tayo. Para atleast may pambawi dun."
"Heh! Bahala k--- AHHH!"
Biglang kinuha ni Daniel yung bag ko tapos tumakbo sa may kalsada.
"Habulin mo ako! Kung ayaw mong mabasa tong pinakapaboritong yellow bag mo!"
"Badtrip ka! Akin na yan!"
Hinabol ko si Daniel sa ilalim ng ulan. Pagkalapit ko sa kanya bigla niyang hinablot yung kamay ko tapos hinagis yung bag ko dun sa may tabi ni Kathniel.
"Got you." Daniel
"Weh."
Bigla akong sinayaw ni Daniel. Wala na kaming ginawa kundi tumawa at maghabulan. Nang napagod kami sa kakatakbo, hinawakan ni Daniel yung bewang ko at nagslow-dance.

BINABASA MO ANG
I Wouldn't Mind [Fin;Editing]
FanfictionMeet Kath. A girl whose world is torn between her friends and lovelife. Can she face forever with the one she loves when her own friends are the reason to stop them from their forever? Written by: © Isabela Paraso © All Rights Reserved. 2012.