I Wouldn't Mind - Special Chapter 3

247 1 1
                                    

I WOULDN'T MIND - SPECIAL CHAPTER 3

SOMEONE'S POV

"Babe, gusto mo ba ng cake?" Tanong ni Kath sa taong yakap ang likod niya. 

"Gusto ko ikaw." Tapos hinalikan ni DJ pabalik si Kath sa pisngi. Napangiti naman si Kath ginawa ni DJ,

Kahit kelan talaga tong dalawa na to, hindi na naalis ang pagiging sweet sa isa't isa. Kaya sila nagtagal, kaya sila naging matatag. 

 Ano nga ba talaga ang nangyari nung gabing yun?

--------------------------------------

PROM NIGHT.

KATHRYN'S POV

"You may start to stop me in one, two, three."

Tumalikod na si DJ tapos naglakad papunta sa gate ng hotel.

Malapit na siya sa may gate pero ako nakatayo pa rin dito, umiiyak, naguguluhan.

Ni isang lingon hindi niya ginawa. Ilang tapak na lang aalis na siya.

Two steps left...

The last step and I decided to ran after him.

"DJ!"

Tumakbo kaagad ako papunta sa kanya at niyakap ang likod niya. Humarap siya sa akin at niyakap ako pabalik.

"Akala ko hindi mo na ako pipigilan umalis, teka diyan ka lang ah? Tatawagan ko lang si papa."

Kukunin pa lang sana ni DJ yung phone niya pero pinigilan ko siya.

"DJ, hindi kita pinipigilan umalis." Nag-iba kaagad yung reaksyon ng mukha niya. 

"Eh ano to Kath? Bakit mo ako tinawag?"

 

"May gusto lang sana akong sabihin sayo."

I Wouldn't Mind [Fin;Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon