I Wouldn't Mind - Eight

278 3 1
                                    

 Short Update. :) 

I Wouldn't Mind - Eight

 JILIANNE'S POV

"YAAAAAAAAH!" Ako

*PAK*

"Very good! Now, Mico!"

Nandito ako ngayon sa gym. Training ng taekwondo. Weekly kami nandito ni Mico. Sino si Mico? Well siya yung boy bestfriend ko. Black Belter yun siyempre ako rin! HAHAHA. 

Natapos na rin yung training kaya ayun nag-ayos na kami ng mga gamit.

"Jill. Si Angela, kamusta na?" Mico

"Nagtataka na ako sayo ah. Lagi mo ng tinatanong si Gela sa akin." Ako

Oo. Tuwing magkikita kami puro Angela na lang to si Mico.

"Dali na. Kamusta na ba yun?"

"Hindi ko sasagutin yung tanong mo hangga't sabihin mo yung dahilan kung bakit puro ka Angela."

Napabuntong hininga si Mico. Bahala siya. Palabas pa lang ako ng gym ng sumigaw si Mico.

"I like her!"

Lumingon ako.

"Goodluck."

Lumabas na ako. Sa totoo lang, ramdam ko na talaga na may gusto si Mico kay Angela. Hindi ka pa ba mapapaisip kung yung kaibigan mo, iisang tao lang yung binabanggit?

Pero alam niyo ba? Kung maging sila man. Hindi ako sumasang-ayon. Bakit? Dahil kilala ko si Mico. He's possesive, agressive, demanding and most of all he's not the guy for Angela. Pero anong magagawa ko, kung sila ang pinagtagpo ng tadhana? Baka nga si Mico ang tanging paraan para tumigil si Angela kay Daniel eh.

*bzzt bzzt*

From: Daniel Bro

uy. si Kath kamusta na?

Nakakabanas naman to oh! Magagalit kay Kath tapos sabay mangangamusta.

To: Daniel Bro

Alam mo bro. kausapin mo kaya! hindi yung pinapahirapan niyo ang sarili niyo! mga tao nga naman talaga.

*bzzt bzzt*

From: Daniel Bro

gusto ko lang naman maramdaman kung paano siya mag-alala sa akin, kahit ngayon lang Jill.

Hindi na ako nagreply kay Daniel.  Naalala niyo pa ba yung sinabi ko kay Kath? Yung impaired couple sila.

Si Daniel kasi, pipe. Hindi niya kasi kayang masabi kay Kath.

Eto namang si Kath, manhid. Sa lahat pa kasi ng pwedeng sayadan ni Kath, eh yung pagiging manhid pa.

Kaya ayun. Haay! Ewan ko sa kanila.

-------------------------

 KATHRYN'S POV

Bukas na birthday ko, pero galit pa rin sa akin si Daniel at medyo parang may tension sa buong barkada. Ahm eh. Anong meron?

Baka naman tungkol to dun sa kinakalat ng hinayupak na Quizon na yun. Wala naman sa itsura ni Jill na nagkaboyfriend na siya noh. Basta ako, hindi maniniwala dun sa kinakalat nung Quizon na yun. Hello. Hindi ko pa nga kilala yun, maniniwala kaagad ako sa kanya.

I Wouldn't Mind [Fin;Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon