I Wouldn't Mind - Fifteen

231 4 1
                                    

I WOULDN'T MIND - FIFTEEN

KATHRYN'S POV

"Ma, mauna na po ako."

"Huwag kang maglalakad ah."

"Mal'late ako kapag hindi ako naglakad ma."

"Favor lang 'nak. Paglabas mo, sakyan mo na kaagad ah?"

"Ha? S-sige po."

Lumabas naman ako, katulad ng sabi niya. Eh ano ba yun?

WOW!! Bike! Grabe, namiss kong gumamit nito!

"Ma! Thank you and love you ma!" Sigaw ko kay mama bago ako sumakay. 

Siyempre sakay kaagad ako, wala naman akong ambisyon na ma-late eh. Ayun, bike lang ng bike. Nang makarating ako sa may parking ng mga bike bumaba na ako. Akalain niyo yun, may parking yung mga bike. HAHAHAHA.

Habang naglalakad ako papuntang classroom, medyo nakasabay ko si Daniel sa may staircase. Spell AWKWARD. Inunahan ko na siya dun sa may staircase para iwas na lang, pero bakit nga ba ako umiiwas? Inunahan ko siya ng ilang steps tapos bigla na lang may nagsalita.

"Kath, wala ba talaga?"

Napatigil ako sa pag-aakyat. Lumingon ako sa kanya tapos nagtataka. Anong 'wala'?

"Hindi kita maintindihan. Anong 'wala' ang sinasabi mo?"

"Kath, sagutin mo na lang."

"Paano ko sasagutin kung hindi ko naman alam ang pinagsasabi mo?"

"Hindi pwedeng wala Kath eh. Sabihin mong meron para itigil ko na to."

"Itigil ang alin?"

"Kath, may nararamdaman ka ba sa akin? Kasi kung meron, ititigil ko na to."

Hindi ako nakasagot sa kanya kasi may tumawag sa akin sa taas ng staircase.

"Kathryn! May bago tayong classmate!" Ira

"Wait lang ah. Dan---."

Bago ko pa siya makausap ulit, umakyat na siya ng may kasama. Kasama si Angela. Hinintay ko na lang sila makalampas sa akin bago ko nilapitan si Ira sa may tuktok.

"Oh sino yung ba-go.... MICO?!"

"Tama ka. HAHA. Gulat ka noh?"

"Eh sino bang hindi magugulat? Suot suot mo yung uniform ng mga lalaki. Teka nga. October na ah, bakit ngayon ka pa lang nag-enroll?"

"Ay nako. Huwag ka ng mag-isip pa tungkol diyan. Pasok na nga tayo sa loob."

Natawa na lang ako, tawang pilit. Ayoko kasing ipakita sa kanila na may something ako. Something that I don't know.

Pumasok kami sa loob at sakto dumating na yung adviser namin. Siyempre, inintroduce na niya sa amin si Mico, halos kilala naman na ng lahat to eh. Mabilis kasing magkakaibigan yan pero matagal bago ka niya pagkatiwalaan.

"This coming Friday is our fieldtrip."

"YEEAAAH!!!"

Wow. Fieldtrip agad-agad? Pero sino kaya yung ihahating section sa batch namin? Tuwing fieldtrip kasi may nahahating section. Apat na bus lang kasi lagi ang nir'rent ng school kaya may hinahati. Malaki rin kasi yung bus. It can accompany 50 students, 2-3 teachers, 1 tour guide and of course the driver.

I Wouldn't Mind [Fin;Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon