I Wouldn't Mind - Six

292 2 0
                                    

I Wouldn't Mind - Six

KATHRYN'S POV

Dalawang araw ng absent si Jill. Ano na kayang nangyari dun? Wala tuloy nangungulit sa likod ko.

"What is parallelism?" Sir Geobert

English yung subject ngayon, madalas na ginagawa namin ni Jill ay mag doodle. Minsan nga pinaplano na namin yung kakainin namin.

"Ms. Santos, what is parallelism?"

Ako nanaman ang tinawag. Ganyan kasi yan si Sir Geobs, kung walang nagr'recite, ako lagi ang nakikita.

"Parallelism is the balance of two or more similar words, phrases or clauses. It is also known as parallel structure or parallel construction. For example, I went to the store, to the mall and to bed." Ako

"Thank you Ms. Santos."

Umupo na ako tapos hindi na ulit nakinig. Dinismiss na kami agad-agad ni Sir Geobert.

"Uy Kath, anong kakainin mo?" Ira

"Di ko pa alam eh. Ikaw?"

"Di ko rin alam eh. Kung ano yung kay Gela, yun na rin yung akin."

"Ahh. Baba na lang ako."

"Sige."

Bumaba na ako tapos pumunta sa may small canteen.

[AUTHOR: For everyone's knowledge, sa school po kasi namin merong small canteen, big canteen at hotdog, footlong and patty stand. Read the footnote for more info.]

"Sister! Isang sour gecko  po at choc-o." Ako

"Eto oh."

Pagkakuha ko pa lang nung Choc-O binuksan ko kaagad yun. Bigla namang may pumisil sa tagiliran ko kaya napisil yung iniinom ko at bumuhos yung drink sa uniform ko.

"Arrgh! Ano ba to!" Kath

"Ay Kath sorry! Di ko alam na umiinom ka pala." Daniel

Sa sobrang inis ko nagwalk-out na lang ako. Wala pa naman akong shirt na dala tapos hindi ko pa naiinom yung choc-o ko! Huhu. Sour gecko na lang tuloy recess ko. Huhu.

Pumasok na ako ng room, pinagtitinginan ako ng mga classmates ko. Nakakahiya naman to! Daniel naman kasi eh! Umupo na lang ako sa likod tapos kinain yung sour gecko.

"Uy Kath, anyare sayo?" Gela

"Salamat kay Daniel Castañeda at napisil ko ang Choc-O sa buong uniform ko."

"May extra shirt ka bang dala?" Gela

"Waley at bakit naman ako magdadala ng shirt ngayon, hindi naman tayo PE eh. Haayyy. Hayaan mo na."

Habang ineenjoy ko yung sour gecko ko, nilapitan ako ng isa kong kaklase.

"Kath, hinahanap ka ni Daniel sa labas." 

"Pakisabi na ayaw ko siyang makita." Pagkatapos niya akong ganituhin, gusto niya makita ko siya? Wow ah!

"Haha. Sige." Yam

Nakiinom na lang ako kay Ira ng coffee twist niya kaso muntik ko namang mabuga sa bibig ko ng makita ko na may choc-o din si Daniel sa uniform niya.

I Wouldn't Mind [Fin;Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon