Chapter 2 : Escape

138 3 0
                                    

Chapter 2 : Escape

"Scarlette!."

Walang lingon akong umakyat sa taas at hindi inabala ang sarili na lumingon sa kung sinuman.

Mabilis na muling umagos ang mga luha ng makapasok ako sa loob ng kwarto. Dalawang araw na ang lumipas mula nang mangyari ang lahat pero hindi man lang nababawasan ang sakit. Mas lalo pa nga atang nadagdagan.

Lahat ginawa ko para maging mabuting kapatid. Ginawa ko lahat para maging kaaya-ayang girlfriend , ni halos hindi na ako lumapit o makipag-usap sa mga lalaki dahil may boyfriend na ako. Ni minsan hindi ko naisip na magtaksil o hindi naman kaya ay magkaroon ng relasyon sa boyfriend ng kapatid ko pero parang ang sama masyado ng kapalaran at sakin pa niya ginawad lahat ng kapaitan sa mundo.

Ayaw kung umiyak pero wala akong ibang magawa para alisin ang bigat sa loob ng dibdib ko. Dahil sa sobrang sakit kusa na lang tumutulo ang luha ko.

Dumapo ang tingin ko sa mga picture frame na nakadisplay sa mga dingding. Mas marami pa ang larawan ko kasama si Daniel kaysa sa mga magulang ko. Kuha noong anniversary namin at mga special occasion kung saan kami magkakasama , birthday , pasko o hindi naman kaya random gala lang.

The sweet smiles plastered in every photo just remind me that all this time he was really not worth my time. Huminga ako ng malalim at kumuha ng tissue upang punasan ang mukha ko.

"Don't cry. He's not worthy of your tears." paalala ko sa sarili habang pilit inaalis ang sakit.

Sumunod na tumambad sa akin ang larawan ko kasama si Daniel at si Cassey. Bumalik sa isipan ko ang natagpuan ko sa hotel. All their betrayal.

Tinanggal ko ang picture frame at hinampas ito sa sahig. Nagkalat ang basag na frame. Dinampot ko ang larawan at pinagpunit-punit iyon.

"I hate you! I hate you two!."

Nilangkat ko lahat ng mga larawan ko kasama si Daniel at Cassey at saka pinag-aapakan hanggang sa madurog na ito gata ng ginawa nila sakin.

The pain have lessen and all that divulge in my senses was hatred and resentment and anger.

"Fvck them." I sob as I let myself fall to bed and drown myself again to tears.

"I hate them.." paulit ulit na sabi ko hanggang sa sumuko ang puso ko sa sakit at pinili maging manhid.

I was hugging my pillow while staring in the ceiling absent mindedly. Natuyo na ang mga luhang hindi ko napunasan. Hindi ko na inalintana ang hapdi ng mga kaunting sugat sa kamay dahil sa mga bubog sa nasirang picture frame. Tanging naririnig ko lamang ang paggalaw ng mga kamay ng orasan. Ilang oras na ang lumipas pero hindi ko parin mahanap ang lakas na bumangon at ayusin ang sarili ko. Hindi ko kaya.

Muli na namang tumulo na naman ang mga luha kong hindi maubos-ubos. Hindi ko alam kung natigil ba ako sa pag-iyak o hindi hanggang sa makatulog ako.

Madilim ang paligid ng muli akong magising. Hindi ko malinaw na makita ang oras dahil sa nanatiling malabo kung paningin. Kahit walang lakas ay bumangon ako at nagtungo sa banyo.

Hindi ko makilala ang sarili ko sa harap ng salamin. Sobrang gulo ng buhok , namumula ang mga mata , pagod ,  walang lakas at namumutla ang mukha. Kahit na ilang beses akong maghilamos wala iyong magawa upang tanggalin ang nararamdaman ko ngayon.

Wala ako sa sariling naglakad pabalik sa kama ko. Hindi ko na inabala ang sarili na linisin ang mga nagkalat na picture frame at nagbalot ng kumot trying hard to fall asleep and wish that when I woke up all this was just a dream , a nightmare rather. Sana nga panaginip lang ang lahat.

Fixing A Broken Heart (Cheat Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon