CHAPTER 19 : HawaiiMatapos ang halik na iyon ay nabalot ng awkwardness ang buong condo. Pagkatapos noon ay tahimik siyang nag-walk out habang naiwan akong tulala sa kawalan at lutang parin sa nangyari.
Nabalik ako sa aking huwisyo nang tumunog ang phone ko. Tumatawag si Troy. Sinagot ko ito para ibaling ang sarili sa kakaisip sa nangyari kanina.
"Scarlette!." bati niya agad.
"Oh." tipid kong sagot dahil kahit na anong gawin ko ay ang halik parin ni Caden ang nasa isip.
"Damn it. Ano ba kasi talagang nasa lalaking iyon at ganito ang nararamdaman ko?."
"Sinong lalaki?." napakurap ako ng maalalang kausap ko nga pala si Troy.
"A-ah. W-wala."
Sandali itong natahimik at alam kong nakataas na ang dalawang kilay ng lalaking iyon ngayon.
"Ewan ko sayo pero ngayon ko lang pala nabalitaan na nag-away pala kayo ni Cassey dahilan para maisugod siya sa hospital."
"Kung tumawag ka para ipaalala sa akin yan. You shouldn't have called."
"Hindi naman ako tumawag para roon. I just want to check of your okay. Ang sabi pa naman nila ay nagpunta ka sa America nang mag-isa. Hindi ka sanay mag-isa kaya nag-aalala lang ako at baka may masamang mangyari sayo."
"Concerned huh?."
He chuckled at the other line. "Nope. I just want to check too kung buhay ka pa. Buhay ka pa naman siguro. Naghanda na sana ako ng pang-kape. Sayang."
"Idiot!." Tumawa lang ito. "Anong klaseng kaibigan ka?."
"Hindi mo naman ako kailangan."
"Paano mo nasabi? Alam mo ba kung anong hirap ang dinanas ko rito and I am all alone. Hindi mo man lang ako dinamayan."
"I maybe your only friend left but I'm not the only man."
"What do you mean?."
"As if hindi mo kasama si Caden ngayon."
"At paano mo nalaman na kasama ko siya?."
"I don't."
"Troy Maximus Laurel. Maghanap ka na nga ng lovelife at mukhang malapit ka nang mapunta sa mental. Ang weird mo masyado."
Ewan ko ba talaga kung bakit sa tuwing kausap ko o kaharap si Troy parang ang iba ng aura. Parang nasa harap ako ng future teller o di kaya iyong mga taong napapaginipan ang mga masasamang bagay na mangyayari pa lang. As if he can see the future. Sobrang weird.
Pinutol ko na ang tawag dahil wala rin namang matinong patutunguhab ang pag-uusap namin.
Maghapon akong hindi lumabas. Kahit hindi pa ako kumain ng lunch ay hindi parin ako lumabas. Parang hindi ko kayang harapin si Caden. Kaso nang makaramdam ako ng gutom ay napilitan na rin akong bumangon at lumabas.
Dahan dahan ang mga hakbang ko. Sisilipin ko na muna kong nasaan si Caden. Hindi ko parin siya natatanong kung paano siya napunta rito. Sinundan ba niya talaga ako?
Walang tao sa loob ng condo maliban sa akin. I can't feel his presence. Baka ay umalis. Saan naman kaya siya nagpunta? Pagkatapos kumain ay naisip kong tawagan si Zach at tanungin sa kung sumunod ba talaga sa akin si Caden rito o may iba lang siyang inasikaso though I'm hoping the most that he followed me here just to make sure I'm fine.
Nakadalawang tawag ako dahil hindi agad ito sumagot. Mabuti na lang at may number nila Zarah at Zach pati na rin si Mang Rene.
"Zachary speaking."
BINABASA MO ANG
Fixing A Broken Heart (Cheat Series 1)
General FictionHow far would a cheating change one's life?