Chapter 27 : Pregnant

109 2 0
                                    

Chapter 27 : Pregnant

"Scarlette!."

Shit! Parang bumabaliktad ulit ang tiyan ko kahit ilang minuto na akong nagsusuka.

"Hoy!." Nasulyapan ko si Troy sa gilid ko.

"Aww." napadaing ako ng sapakin niya ako. "Bakit ba?." Pinunasan ko ang aking labi. Ang sama ng pakiramdam ko. Parang kahit anong oras ay masusuka ako.

"Why the shit are you vomiting?!." taas kilay niyang tanong.

Nasusuka ako e. Napahawak ako sa tiyan ko dahil parang susuka na naman ako. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Parang nandidiri na ang hirap ipaliwanag.

"Iniisip mo bang may ginawa kami ni Caden?." tanong niya na nagpatigil sa akin.

Naalala ko ang hitsura nilang dalawa at nasuka na naman ako.

"Scarlette!." galit na sigaw niya.

"What?." taas kilay kong baling sa kaniya nang mahimasmasan.

"You're wrong."

Hindi ko alam pero bigla akong natawa.

"Are you a gay—Aww!." sinapak niya ulit ako.

"Stop hitting me , idiot!." Pinanlakihan naman niya ako ng mata.

"Ba't ka kasi suka ng suka?."

Naiisip ko kasing may nangyari sa kanila. I mean the thought is utterly gruesome. Hindi naman sa hindi ako pabor sa mga LGBTQ community. Ang sakin lang , lintek na , si Caden talaga! Hindi ko kayang isipin. Nasusuka ulit ako.

Damn.

"Hindi ako bakla!." giit niya. "Fvck you." bulong niya. Kita mo , minura pa ako.

"E ba't kasi ganiyang ang mukha niyong dalawa? Saka ba't kayo magkasama?." sunod sunod na tanong ko rito.

"Ano kasi?." nagkakamot ito ng ulo.

Nasulyapan ko sa may pinto si Caden. May kadiliman sa kaniyang gawi kaya hindi ko malinaw makita ang kaniyang mukha.

"Scar?." napatingin ulit ako kay Troy.

"You don't have to explain. Uuwi na rin ako."

Sinulyapan ko ulit si Caden bago tinungo  ang kotse ko. Naramdaman ko ang pagsunod ni Troy sa akin.

"Uuwi ka na?." tipid akong ngumiti.

"Ayos ka lang ba? You're pale."

Nakumpirma kong tama ito ng makita ang sarili ko sa rearview mirror. Namumutla nga ako.

"Y-Yeah. I'm okay." pagsisinunggaling ko kahit nahihilo na naman ako gaya kanina.

"You sure? You don't look good."

"A-Ayos lang—

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang mahilo na naman ako.

"Caden?!." rinig kong tawag niya rito.

Pipigilan ko sana siya pero huli na dahil papunta na rito si Caden. I tried turning on the engine  pero hindi ko kinaya. Kaunting galaw ko ay nahihilo agad.

"She's not okay. Ikaw ng bahala sa kaniya."

"No. I can handle myself."

Huminga ako ng malalim. Medyo nabawasan na ang pagkahilo ko.

"Kaya ko."

"Ihahatid  kita."

Tuluyang nawala ang hilo ko nang magsalita si Caden. Gusto kong lumingon parang tingnan siya pero naging isang tuod ako sa aking kinauupuan.

Fixing A Broken Heart (Cheat Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon