CHAPTER 21 : Why Can't It BeIlang araw na kami rito sa Hawaii na walang ibang ginagawa kung hindi ang mamasyal at magbabad sa tubig buong araw. Hula ko masisira na ang kutis ko sa kakaligo sa ilalim nang mainit na araw.
Ayaw ni Caden na magbabad ako sa dagat buong araw pero wala naman siyang magagawa. Tatlong araw na mula ng hindi ko siya pinapansin at pilit iniiwasan. I tried my best not to even make a long conversation with him. Hindi ko rin hinahayaang maging intimate sa kaniya. I just think it will be better that way. Mas panatag ako.
Minsan nagtakaka siya sa inaasal ko. Mangungulit ito kung bakit at ano ang dahilan but when I insist it was nothing , nagkikibit balikat siya at hinahayaan na lang ako.
"Gusto mo nang umuwi?." tanong niya isang gabi. Nasa baybayin pa ako , nagpapahangin. Balak kong hayaan na siyang maunang magpahinga pero sinundan niya ako rito.
I shrug. Naupo siya sa tabi ko. Nang umihip ang hangin ay naamoy ko ang kaniyang pabango. He always smell great. Parang hindi pinagpapawisan.
"Ilang araw ka ng umiiwas sakin.." panimula na naman niya. Every time he gets the chance he'll always ask why. But how can I answer you when even I doesn't know why?
"May problema ba?." Hindi ako sumagot.
"Are you mad at me? Dahil ba hinalikan kita?."
Nanatili akong tahimik. Nagmamatigas sa hindi pagpansin sa kaniya.
"Scarlette.."
Malimit niya akong tawagin sa pangalan na yan. Nakakapanindig balahibo ang paraan ng pagtawag niya sa akin. Nilingon ko ito at nahuling nakatitig sa akin.
"Bakit ka umiiwas?." Napalunok ako. Hindi alam ang isasagot dahil hindi ko rin alam kung bakit ko ito ginagawa. Maybe.. I'm just scared of this strange feeling I have for him.
Inabot niya ang aking kamay pero mabilis akong tumayo. Napatigil siya sa ginawa ko.
"Magpapahinga na ako." paalam ko at iniwan siya roon. Nang lumingon ako ay hindi siya sumunod at nanatili roon.
Hindi ko nakita si Caden nang magising ako kinaumagahan. Tahimik ang buong paligid. Madalas siya ang nauunang nagising dahil inaayos na niya ang agahan namin.
Kinatok ko ang kaniyang kwarto pero wala siya roon. Tinanaw ko ang baybayin pero wala rin ito. Kahit saan ako bumaling ay hindi ko siya mahagilap.
"Are you looking for Caden?."
My face fell blank when Maxine approach me.
"Ang totoo kasama ko siya kagabi." My heart skip a beat at what he just did.
"Anong sabi mo?." halos kumuyom ang kamao ko sa pangangalaiti.
"Magkasama kami ni Caden kagabi. We had really a good night. Well spent together." nakangisi niyang saad.
"Where is he?." Pinipigilan ko ang pagkulo ng dugo ko.
"Ahm. Well.." She cross her arm. Ininguso niya ang katabi ng nirentahan namin na mukhang siya rin ang nakatuloy ngayon.
Kumukulo na talaga ang dugo ko. Binangga ko siya nang maglakad papunta roon. Iisang room lamang ang naroon. I stiffened as I held the door knob against my hand. Hindi maituloy ang pagpihit noon. Bumalik sa akin ang tagpo noong mahuli ko si Daniel. Sumikip ang dibdib ko at may isang patak ng luha ang tumulo mula sa aking mata. Agad ko iyong pinunasan at sa halip na buksan ito ay umatras.
Gustuhin ko mang lumayo roon ay hindi ko magawa. Daniel and Cassey's portrait faded in my mind. Pumalit roon si Caden at Maxine. I can imagine them on the bed together. I felt betrayed once again. Alam kong walang kasamang personalan ang pagpapakasal namin. No personal feeling involved. Just pure business. But why do I felt this undying feeling of butterflies flying around my bellies whenever he's near , when he's around , when he claimed my lips and wrap his arms around me. Why do I felt comfortable and safe with him? Bakit nasasaktan ako habang iniisip na may nangyari sa kanila ni Maxine?
BINABASA MO ANG
Fixing A Broken Heart (Cheat Series 1)
General FictionHow far would a cheating change one's life?