CHAPTER 18 : Annulment
I woke up groaning in so much pain and a throbbing head. Parang pinukpok ng martilyo ang ulo ko sa sakit. Hindi ko agad maimulat ang mga mata at halos magpagulong-gulong na sa kama hawak hawak ang ulo ko at kagat kagat ang labi dahil sa sakit.
"Shit!." I curse when I felt an upset stomach. Nabalewala ko ang sakit ng ulo at mabilis na bumangon saka tinakbo ang banyo para doon magsuka.
Sa dami noon ay sumakit ang lalamunan ko at nagluha ang mga mata. I don't know why long I've been throwing up. Pagkatapos ng pagsusuka ay bumalik naman ang sakit ng ulo ko. Umiiyak akong napaupo sa malamig na tiles at halos yakapin na ang toilet bowl dahil pagkalipas ng iilang segundo ay nagsusuka na naman ako.
Parang nawalan ako ng kaluluwan matapoa ang pagsusuka na iyon. I manage to stand up. Babalik na sana ako sa kwarto para magmukmok ulit dahil sa sakit ng ulo nang makita ko ang sarili ko sa salamin. Gulong gulo ang aking buhok. Maputla ang aking labi.
Natigilan naman ako ng makita ang aking leeg. There's a bruise in it. Nang hawaka ko iyon ay masakit. Napatingin naman ako sa kamay ko at may pasa rin roon tila galing sa isang mahigpit na pagkakatali.
"Yes. Just stay like that , baby girl. Let me pleasure you."
Napatakip ako ng bibig nang maalala iyon. Nag-unahan ulit ang mga luha sa aking mga mata habang nanatiling nakatitigvsa sariling repleksyon sa salamin habang nanumbalik ang mga pangyayari kagabi.
Muli akong napaupo sa sahig habang patuloy sa pag-iyak.
"No...No.." mariin akong umiiling. "Walang nangyaring ganoon. Wala.."
Sa bawat pilit ko sa sarili kong maniwala na hindi nangyari ang naalala ko ay mas lalo akong naiiyak.
"H-hindi..." kinakapos ako ng paghinga dahil sa bigat ng pakiramdam. "No.."
Tuluyan na akong napahagulhol at napakuyom ng kamao.
"Avery?."
Saglit akong natigil sa pag-iyak nang may tumawag sa akin. Sa kabila ng pag-iyak ay lumingon ako. Sa bukana ng pinto nitong banyo ay tumambad sa akin ang pamilyar na anyo.
"C-Caden..."
Tinitigan ko ito habang inaanalisa kung totoo bang nandito siya at nang masiguro kong nandito nga siya ay agad akong tumayo at sinugod ito ng mahigpit na yakap.
"Caden..." muli akong humagulhol.
"Ssshhsshh. Tahan na." alo niya at marahang hinaplos ang buhok ko.
Umiling ako. How can I be okay after what happened?
"C-Caden.."
"If you're worried about what happened last night. Don't worry. Nothing happened. Wala siyang nagawang masama sayo. Mabuti na lang at naabutan kita agad."
Sa sinabi niya ay nabawasan ang naramdaman kung bigat at bahagyang nakahinga ng maluwag.
"You're okay now. Tahan na."
"I-I was scared."
"You don't have to be scared now. I'm here. Hindi ko hahayaang may masamang mangyari sayo."
Tuluyang nawala ang takot na naramdaman ko nang yumakap ito sa akin pabalik.
Napahawak naman ako sa ulo ko nang bumalik ang kirot roon. Agad rin akong inalalayan ni Caden pabalik sa kama. Doon ko na lang din napansin na nandito pala ako sa condo ko.
"I've cooked you some soup. It will ease your hangover." inilapag niya sa akin ang tray na naglalaman ng mainit na sabaw.
Mabuti na lang at nakatulong ito gaya ng sabi niya para mabawasan ang sakit sa ulo ko. Matapos akong makakain ay naligo na rin ako para mas mawala ang hangover. Pagod parin ang pakiramdam ko kaya nanatili akong nakahiga sa kama at nagmumukmok. Paulit-ulit rin sa isip ko ang nangyari kagabi.
BINABASA MO ANG
Fixing A Broken Heart (Cheat Series 1)
General FictionHow far would a cheating change one's life?