JF 28

116 8 2
                                    

JF 28 

Joke

Pinunasan ko ang luha ko at dumiretso sa sasakyan ni Amihan. Mabuti nalang at hindi ko pa ibabalik ang susi kaya't p'wede ko pang magamit. 

"Ylorah!" Tawag ni Gazer sa akin. 

Mas lalo kong binilisan ang lakad ko palabas ng bahay nila, I need to go. I want to go. 

Halos hawiin ko lahat ng taong madaanan ko. 

Pagdating ko sa labas ay saktong bumungad sa akin ang sasakyan ni Lawrence. Great timing! This is the only time na masaya akong makita siya. 

"Heeey, what happened?" He came to me half-running. 

I sniffed and cry a bit more. "L---let's go, Lawrence." Hikbi ko. 

"A-alright. Get in." Pinagbuksan niya ako ng pinto.

Panay ang salita ni Lawrence nang makapasok kami sa loob ng sasakyan, ngunit wala akong iniintindi sa mga sinasabi niya. Pumikit ako at pinilit na pinapakalma ang puso ko. 

It's beating so fast. It's fast and heavy, this kind of feeling makes it hard for me to breathe. I don't know what to think but I am certain of what I feel. 

I feel shattered. 

This is the kind of feeling that I don't want to associate myself with, but here I am, crying my heart and eyes out next to my ex-boyfriend. Funny, right? Is this kind of feeling normal when you love someone? 

I never even cried when Lawrence and I broke up, or when I knew he cheated on me. I was mad, not hurt. This might seem unfair to him, but he was unfair to me first. 

Naramdaman kong huminto ang sasakyan, but I don't mind. We're probably at the stoplight. Napamulat ako nang narinig ko ang boses ng babae sa intercom. Why the drive-thru? 

"One vanilla ice cream, please." Ani Lawrence. 

I faint a smile. Just what I need. 

Huminto kami ni Lawrence sandali sa isang park at hinayaan niya akong kainin ang ice cream na binigay niya. He didn't ask me anything, he just let me be and I'm thankful for that. This is what I need right now, I need my peace and quiet. 

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa tapat ng bahay. 

"Sorry, Lawrence, let's talk some other time." Nanghihina kong tinanggal ang seat belt ko, "Thank you... I mean it." I said and kissed him goodbye. 

"Are you sure you're alright?" Malambing ang kanyang boses. Tumango ako at binuksan ang pinto. 

Hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ng sasakyan, ay gusto ko nalang pumasok ulit at huwag nang lumabas pa. Nasa tapat ng gate si Gazer, nakasandal sa hood ng kanyang sasakyan. Nang makita niya akong pabab ng sasakyan ay agad siyang lumapit at tuluyan itong binuksan para sa'kin. 

"Who's that?" Ani Lawrence at kinalag ang seatbelt at lumabas ng sasakyan. 

"Lawrence, it's nothing... Just go." Sabi ko paglabas ng  sasakyan. 

"Is there a problem, bro?" Mahinahon na tanong ni Lawrence. 

"Ylorah, please..." Tinangka niya akong hawakan, ngunit agad akong umiwas. "Let's talk..." Seryoso ang kanyang boses.

"Babe, who's this?" Ani Lawrence at hinawakan ako sa bewang.

Nilingon ko siya at mariin na tinignan, bago ko pa man maalis ang kamay niya sa bewang ko ay agad akong hinila ni Gazer papunta sa bisig niya.

Just FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon