JF22

390 10 3
                                    

JF 22

Zipper

"Ben, samahan mo ako sa bookstore bukas." Ani Amihan habang tinutusok ang pancake sa harap niya.

Tumaas ang kilay ko, bookstore?

"Kailan mo pa naging kaibigan ang bookstore, Mihan?" Natatawang tanong ni Ben sa kanya. Natawa rin ako kaya tinginan niya kami ng masama.

"Siempre, to be a beauty queen I should be smart. Dress smart and talk smart." Pa-demure niyang sagot sa amin.

Nagkatinginan kami ni Ben at sabay na tumawa. A beauty queen? Binaba niya ang tinidor na hawak niya at humalumbaba sa lamesa. Umusog si Ben papalapit sa kanya habang ako naman ay naka-tuon ang mga mata sa laptop.

"Is it too late for me? Gusto kong sumali ng Binibining PIlipinas." Pinag-salikop niya ang kanyang mga daliri at pumikit na tila ba nangangarap.

Huminto ako sa pag-tipa sa aking keyboard at mariin siyang tinitigan. Is she serious? Maganda ang mukha at katawan ni Amihan. Yes, but I think being a beauty queen doesn't suit her. I mean, she still acts like a little girl.

Pinasadahan ko siya ng tingin. Ang kulot niyang buhok ay nililipad ng hangin at tinatabingan nito ang kanyang maamong mukha. Naka-suot siya ng long sleeves na may print na mga donuts.

"Seryoso ka ba, Mihan?" Natatawang tanong ni Ben sa kanya.

Muli niyang kinuha ang tinidor at tinusok nanaman ang kanyang pancake. Bumuntong hininga siya at hinawi ang kanyang buhok.

"Yes! I can do it!" Tumawa kami ni Ben. Sinara ko ang laptop ko at humalumbaba.

"Give it a try then. If you fail, find another dream." Natatawa kong sabi sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya at halatang nainis siya sa sinabi ko.

Uminom ng kape si Ben at ngumiti pag tapos.

"Tama. Hanap ka ulit ng bago pag di okay sa'yo ang beauty queen." Nanunuyang sabi ni Ben.

Umirap si Amihan at kinain ang pancake na kanina niya pa tinutusok.

"Tss! Ayoko na ng pancake!" Aniya ng parang bata. "I don't know what to do with my life!!!"Nag inat siya dahilan para lumitaw ang makitang na hikaw sa kanyang pusod. "Should I be a house wife?" Natatawa niyang tanong. 

Natawa ako at napa-iling nalang sa sinabi niya. Kanina siya ang pilit ng pilit sa amin ni Ben na gusto niya ng pancake, tapos ngayon ay inaayawan niya na.

"Hanap ka ng masipag at mayaman na asawa kung ganoon." Natatawang sabi ni Ben. 

Tumawa ako "Right. Sa gastos mong 'yan, kailangan mo ng mayaman na asawa." Tumawa rin siya at ngumuso. 

"But I want to be a beauty queen right now! " Sumimangot siya. 

"You can try it. Or be an actress!" Sabi ko at inusog papalayo sa akin ang waffle na hindi ko man lang nagalaw. Kita ko ang pag ngiwi ni Ben nang nakita niyang ni-wala man lang bawas ang waffle na inorder ko.

"Right right! I'll think about it." Natatawang sabi ni Amihan habang hinihiwa ang waffles na inusog ko. 

"Kumain ka, Ylorah. Iniinom mo ba ang mga gamot mo?" Naningkit ang mga mata ni Ben sa akin.

Napalunok ako dahil seryoso ang kanyang boses. She's small, yes, but she's so damn scary when she's mad!

"Tss! O---Oo naman, what do you think of me?" Defensive kong sagot. Pero sa totoo lang ay bilang sa kamay ang pag-inom ko ng gamot. Madalas ay nakakalimutan ko ito.

Just FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon