JF25

129 9 1
                                    

JF25

Earrings

Ayoko man iwan si Martha 'nong araw na 'yon ay hindi pwede, hindi pumayag si Sandy na ilipat ng araw o oras man lang ng meeting namin sa may-ari ng jewelry brand na gusto kumuha sa akin.

Naging maayos naman ang pag-uusap namin. Isang kilalang pangalan na ngayon sa industriya ang Fine & Elegance. Sa pagkakatanda ko ay isa ito sa mga nags-sponsor ng mga jewelry na ginagamit ni Martha sa tuwing may event o show siya.

Magkakaroon kami ng shoot sa susunod na buwan para sa launching ng kanilang new set of designs. Hindi ko na masyadong naintindihan ang iba naming pinag-usapan, dahil bukod sa lutang ako sa mga sinabi ni Martha at preoccupied ako sa mga pangyayari ngayon.

It's just surreal for me.

Inayos ko ang buhok ko at inipit ito sa likod ng aking tenga. Nag tagal ang titig ko sa salimin, sa tainga ko, kailangan na nga ako ulit huling nagsuot ng hikaw? Hindi ko na matandaan sa tagal.

Ngayon ang araw ng pag-balik ni Gazer sa hopsital para tanggalin ang cast sa kamay niya. We keep in touch with each other naman, pero I am not always calling him dahil naiinis ako sa kanya at sa Ara na 'yon!

Dahil sa tuwing magka-usap kami ay palagi kong naririnig ang matinis na boses ng Ara na iyon sa background ni Gazer. This means they're always together!

Samantalang kami ay no'ng nakalabas lang siya ng hospital ang huli naming pagkikita. Tapos ang titipid pa ng mga sagot niya sa akin sa tuwing magka-usap kami sa phone, kaya mas lalong nakaka-inis!

Umalis na ako ng bahay at pumara nalang ng taxi para mas mabilis makapunta sa bahay nila Gazer. Habang nasa sasakyan ay biglang tumawag si Amihan.

"Yes?"

"Yh! Where are you na?" Tili niya sa kabilang linya.

"Can you not shout, Amihan?" Inis kong sabi sa kanya. Narinig ko ang tawa niya sa kabilang linya kaya mas lalo akong nainis.

"Oh, Sorry. Someone's excited kasi eh, hehe, where are you na nga?"

If he's excited he should've called me instead!

"On my way, why?"

"Oh, nothing! Be careful on your way here. Bye, love you!" Then she hung up.

Halos buong byahe ay kausap ko si Sandy dahil bukod sa jewelry shoot next month ay mayroon pa sa susunod na linggo na shoot for jeans naman, I said yes cuz I need money.

I'm broke. 

Pagkababa ko ng sasakyan ay kita kong bukas ang gate nila Amihan at kitang kita ko ang ngisi niya sa akin nang magtama ang mga mata namin. Irap lang ang binigay ko sa kanya dahilan para tumawa siya ng malakas.

Nilibot ko ang mata ko sa paligid, I can't seem to find Gazer. Where the hell is that guy?!

"Nasa kwarto si Kuya." Amihan said, emphasizing the 'r'. Napansin niya siguro ang pa-simple kong paglinga sa paligid.

I bit my lower lip, iniisip ko kung pupuntahan ko ba siya sa kwarto niya o 'wag nalang dahil awkward. I mean, I'm the one who's awkward.

It feels weird. Ah, ewan!

"Sige na, it's fine. Sus!" Natatawang sabi ni Amihan habang tinutulak ako papasok sa loob ng bahay nila.

Nakasalubong pa namin ang kasama nila sa bahay na natatawa lang sa ginagawang pagtulak ni Amihan sa akin. Ako naman itong nagpapatulak, hanggang makarating na kami sa punong hagdan.

"Go! Akitin mo, este, akyatin mo na si Kuya para makaalis na tayo." Humagalpak siya ng tawa dahil sinamaan ko siya ng tingin.

Akitin ka riyan! But... why not?!

Just FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon