JF7

1.3K 41 4
                                    



JF7

Long day

"Anyway, let's go shopping!" Maarte niyang sabi. It looks like she's enjoying things, while I'm here, stunned and speechless. Something's wrong with my heart, it feels heavy. I touch my chest, I find it hard to breathe. What's this?

"Ylorah?" Amihan snapped. I look at her and gently shake my head, don't mind that, Ylorah.

"What's with the face?" Aniya ng nakataas ang kilay. Tinignan ko ng mabuti, si Amihan. Something's off. I can feel it, but I don't know what is exactly off. I shake my head and look at Ben.

"What's with my face? Come on, girl! I know I'm pretty." I snap. She laughs and hugs Ben.

"Ikaw ata dapat ang may pangalang Amihan." Natatawa niyang sabi. Huminga ako ng malalim at pilit na isinantabi ang mga napapnsin ko ngayong araw kay Amihan. I don't like the feeling of suspecting someone, especially if it's someone I treasure.

"Come on! Let's shop na!" Ani Amihan at inangkla ang kanyang braso sa braso namin ni Ben, siya ang nasa gitna. Nagpatinanod nalang ako kahit na hindi ko naman na talaga gustong mag-libot pa. Gusto ko ng umuwi, pero pag umuwi ako ngayon at nawala ng husto sa mood ay magtataka si Amihan. I have to do this. Is that right? Or Do I have to do this? Ugh! Hindi ko na alam.

"Okay ka lang?" Marahang tanong ni Ben. Kunot noo akong humarap sa kanya. Sa tingin ko ay kanina niya pa ako gustong kausapin, pero di niya magawa dahil kasama pa namin si Amihan. Mabuti nalang at busy siya sa pag hagilap ng mga damit.

"O-Of course." Maarte kong tugon. Bumuntong hininga si Ben at hinawakan ang kamay ko.

"Hindi ko alam kung ano ba talaga kayo ni Gazer, pero nararamdaman kong masaya ka naman sa kanya kaya wala akong sinasabi, kaya wala kang narinig sa akin, pero Ylorah... You have to make things clear, don't settle for less, don't settle in the blurred lines." Hinawakan niya ang kamay ko. "Blurred lines won't make you extremely happy, panandalian lang 'yan." The sweet girl said. Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya, gusto kong magsalita pero walang lumalabas na boses sa akin.

"And I guess you have to tell Amihan about it too. Alam mong may pagka-maramdamin siya." Dagdag pa niya.

"H-how did you----" Di ko matuloy-tuloy ang sasabihin ko. 

"I saw you. Matagal na at ilang beses na din. Nakita kitang lumabas sa kwarto niya no'ng birthday celebreation niya, last year ata? 'yon ang unang kita ko sa inyong magkasama..." Ani Ben at tumingnin sa akin, medyo tiningala niya ako dahil mas matangkad ako sa kanya. Napalunok ako. Damn! 'yon ang unang beses na may nangyari samin. Kinagat ko ang ibaba kong labi. Shit! I'm guilty.

Sumibol ang maliit na ngiti sa kanya nang makita ang reaksyon ko. Umiling siya at pinapatuloy ang pagsasalita.

"Nakita ko kayong palabas ng restaurant, medyo malayo sa lugar natin at tumatawa ka. At ang huli ay no'ng hinahanap ka namin ni Amihan sa bar. Nakita ko kayo, hinila ka niya." Dagdag niya habang nakatingin sa gawi ni Amihan, habang ako naman ay natulala lang sa kanya. How? How in the world I didn't notice?

Napalunok ako at bumuntong hininga.

"Benny, I... I ... I don't know what to say." halos pabulong kong sabi. That's true. Wala akong masabi, di ko alam ang dapat kong sabihin. Nabablanko ang utak ko. Gusto ko ng makauwi at humiga nalang sa kama ko.

"Hindi ako nagtanong kasi baka ayaw mo ipaalam, kasi baka may rason ka. Ang buong akala ko, ikaw ang pilit na nagtatago ng meron sa inyo. Mali pala ako... siya pala." Mariing saad ni Ben.

Just FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon