JF21

1K 47 11
                                    



JF 21

Binalot

Pagkatapos kong ayusin si Gazer ay sakto ang pagdating ng kanyang mga magulang. Agad na nag-init ang pisngi ko dahil sa naabutan nilang tinutuyo ko ang buhok ni Gazer, at alam kong nakapikit ang isang ito.

"Ylorah!" Bati ni tita Wendy sa akin, umayos ako ng tayo at hinawi ang buhok ko papunta sa likod.

Ngumanga siya at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa, literal na gano'n ang ginawa niya.

"Wow! You look so beautiful, Hija!" Malambing niyang sabi sakin at saka lumapit at bumeso, gano'n narin sa kanyang anak.

Nilapag ni tito Albert ang mga dala nila sa couch, umiling ito at natawa. Why is he laughing? "How are you doing, son?"

"Doing good." Nag-inat siya at agad naman na napamura dahil sa sakit. Dinaluhan siya ng kanyang ina at hinampas ang kanyang binti.

"Gazer! Be careful! Don't make extra movements para gumaling agad iyang fracture mo... Anak naman!" Malambing nitong turan sa anak. Ngumisi si Gazer at binigyan ako ng sulyap. Kumunot ang noo ko, what?!

Napatingin ako sa cellphone ko at naalala kong magkikita pa pala kami ni Olive. Muntik ko nanag makalimutan kung hindi ko lang nakitang nag-flash sa screen ang pangalan ni Lawrence. Hindi ko sinagot ang tawag niya.

"Uhm... Tita, tito... I'll go ahead na po. May klase pa po kasi ako." Nahihiya kong sabi. Pumalakpak si tita Wendy na tila ba naalala niyang estudyante parin ako hanggang ngayon at kailangan pumasok para mabuhay.

"Oh, yeah.. yeah... Sure, anak." Ani tita Wendy.

Nagpaalam na ako sa kanila at sinabing babalik nalang ako mamayang gabi kung kakayanin ko pa. Awkward ang pagpapaalam ko kay Gazer. Hindi ko alam kung bakit ako tinamaan bigla ng hiya sa kanya. Siguro dahil sa paguusap namin kanina? God!

Sa halos isang oras na byahe ay narating ko din ang coffee shop na pagkikitaan namin ni Olive. Malayo palang ay tanaw ko na agad ang naka-ngiti niyang mukha. She looks good, unlike the last time I saw her. She was a mess back then.

"Ylorah!" Tumayo siya at sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap, hinayaan ko lang siya, hindi ako yumakap pabalik.

Gusto kong mag-violent reaction kung bakit kasama ang kapatid niya, pero hindi ko nalang ginawa, I am quite feeling good today, so I won't ruin. Ngumiti si Lawrence sa akin at kumindat.

"I missed you!" Ani Olive pagka-upo.

"Here's your fave... Si kuya ang nag-order niyan." Mahinang tumawa si Olive habang inaabot sa akin ang Double Choco ice blended. Hilaw ko siyang nginisian.

"Why do you want to meet right now?"

Pinaglaruan ko ang straw sa aking inumin. Tumikhim si Olive at napansin ko ang pag-ayos niya ng kanyang upo. Mataman ko siyang tinapunan ng tingin. Hindi ko na siya kinamusta coz I think it's just a waste of time. Well, for me.

I just want a straightforward talk, nothing more nothing less.

Tila nagaalangan siyang sumagot sa akin, para bang nabigla siya at iyon agad ang tinanong ko.

"I want to go back to my track. I want to do the things that make me genuinely... happy." At ngumiti siya ng matamis.

Tumango ako sa sinabi niya. Genuinely happy?

"And you know how much I love playing the piano. But I can't get over my incident, Ylorah. I need someone I trust," Hinawakan niya ang kamay ko. "And it's you." Ngumiti siya. 

Just FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon