JF 23

147 9 3
                                    


JF23

Ara who?

Dali-dali akong tumalikod at lumabas ng bathroom. Umupo ako sa couch at pinaypayan ang aking mukha dahil ramdam na ramdam ko pa rin hanggang ngayon ang pag-init nito ng husto. Ano ba ito?!

Gazer cleared his throat when he got out of the bathroom. Muling nag-tama ang mga mata namin, ako ang unang umiwas ng tingin dahil hindi ko kayang makipag-titigan sa kanya. Damn it! Ano ba naman ito?! Wala pa nga akong isang oras dito ay ganito na ang nangyari, paano pa kaya kung kanina pa ako?

What?! Ano ka ba, Ylorah?!

Tumikhim siya at naagaw niya ang atensyon na pilit kong hindi tumingin sa kanya. Kinagat ko ang ibaba kong labi nang makita kong hirap na hirap siyang tanggalin ang cover sa injured niyang kamay. 

Lumapit ako sa kanya kahit na ang init init parin ng pakiramdam ko, kahit na parang makakawala na ang mga kabayo sa loob ng munting rancho sa loob ng puso ko.

"Ako... Ako na." Nagaalangan kong sabi. 

Umupo siya sa kama, "Thanks." Malalim ang kanyang boses.

Hindi ko siya tinitignan sa mata, I'm scared he'll see how much I miss him.

Dahan-dahan kong hinila ang cover sa injured arm niya, although pagaling naman na ito ay kailangan parin cover-an dahil baka magkaroon daw ng infection kung hindi ito gagawin. Kinuha ko ang blue na tela.

"Do you still want to use this?"

Tinignan ko siya dahil hindi siya sumagot sa tanong ko. Umiling lang siya at kinagat ang ibaba niyang labi. Naka-ilang lunok at pikit ako sa dahil ginawa niyang pag-kagat sa kanyang labi.I want to kiss him, right here, right now. And I don't care kung hindi niya ako "maalala"

Tumalikod na ako at aalis na sana pero hinila niya ako sa aking kanang braso, hindi 'yon masakit it was a light tug, pero na-out balance ako at napa-upo sa kanyang kandungan. Sa gulat ko ay napatutop ako sa aking bibig.

"Gazer!" Maarte kong tawag habang pilit na tumatayo.

Kahit na isang kamay lang ang pinaghahawak niya sa akin ay mas malakas parin siya. Yumuko ako at inayos ang aking buhok.

"B---baka mapano ka, G-Gazer."

"Shh... dito ka lang." Aniya at marahan na hinaplos ang aking likod paakyat sa aking batok.

I swear, halos tumindig ang balahibo ko dahil sa pag-haplos niya. Iniangat ko ang aking ulo, so I'm meeting his gaze. Nag-iwas ako ng tingin dahil ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi. Bahagya siyang humalakhak at hinawakan ang aking baba, saka ako pinaharap sa kanya.

"Damn it! You look so beautiful!" Bulong niya.

Halos ilapit niya ang kanyang mukha sa akin. Gosh! I want to kiss him!

"And you're damn blushing!" Muli siyang humalakhak ng parang baliw, di gaya noon, hindi na siya masyadong dumadaing kapag tumatawa. He's getting better... I think?

"Ah, bahala na!" Aniya bago ako siniil ng matamis na halik.

Ang kamay niya kaninang nasa baba ko ay nasa likod ko na ngayon at sinusuportahan ito. Good. Kasi baka matumba ako dahil sa diin ng halik niya sa akin.

I felt his tongue inside my mouth, delving and savoring me. I kiss him back, with the same intensity. It's a sweet and gentle kiss. God! I miss kissing him! I could kiss him all day! But he stopped kissing me, just when I'm about to kiss him hard.

Tumawa siya nang makita niya ang protesta sa aking mukha.

Hinaplos niya ang collarbone kong litaw papunta sa strap ng suot kong sando.

Just FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon