JF3

5.6K 63 5
                                    

Pictures

"Kuya?!" Amihan shouted from the outside. 

Namilog ang mga mata ko dahil ang lapit pa rin ni Gazer sa akin, bahagya k siyang tinulak na siyang kinakunot ng kanyang noo. "What now, Ylorah?"

"You asshole! It's your sister!" I gritted. He just raised his left eyebrow.

"And so? I'm telling you, Amihan wouldn't mind at all." Kibit balikat niya. 

"Let's go." He said and then hold my hand. 

I chewed my lower lip. No! I'm not ready! Anong sasabihin ko kay Amihan? Sinasabi ko na nga ba at baka magkita kami rito eh. 

"Gazer, no! And'yan ang kapatid mo sa labas. I can't go out!" I hissed, napabuntong hininga siya at hinilot ang kanyang sentido.

"You can't or you won't? Come on now." Then he caressed the back of my hand. 

"Come on now, Ylorah Martin. It's fine." Still caressing the back of my hand "It really is." He reassured. I sighed, and lean on the headrest.

"Kuyaaaa?! Are you still there? I can still see you though. Kuya!?!" Ani Amihan habang kinakatok ang bintana ng kotse ni Gazer.

Napamura ako dahil malapit na magsimula ang klase ko. Huminga ako ng malalim, I compose myself. It's alright, Ylorah. It's fine. Pagkukumbinsi ko sa sarili ko.

"Let's go." Ani ko, at saka ako nauna bumaba sa kanya. Pumikit ako sa likod ng aking sunglass, ngumiti ako sa naging reaksyon ni Amihan.

Nanlaki ang mga mata niya at nabitin sa ere ang kanyang kamay. Tinanggal ko ang aking salamin, inilagay ko ito sa aking ulo. Umikot ako at saka siya hinalikan sa pingi, pati narin si Ben na tila hindi man lang nagulat.

"W-w-why? Why are you together?!" Hindi makapaniwala niyang tanong. 

What a nice reaction! Napalunok ako at napatingin sa gawi ni Ben na mataman siyang nakatingin sa akin. Bumaling ako kay Amihan

"Ah! Sinabay lang ako ng Kuya mo, nagkita kami sa daan." Pagpapaliwanag ko.

Napatingin ako kay Gazer, at binigyan siya ng isang ngiti. "Thanks for the ride." Sabay hawi ng aking buhok. 

"It's always a pleasure to give you a ride..." Ngumis siya at kumindat sa akin. 

Siraulong lalaki! Gusto kong paypayan ang sarili ko dahil sa naging sagot niya sa akin. Napaka talaga! Natatawa siyang nagtungo kay Amihan, hinalikan niya ito sa ulo, bumeso naman siya kay Ben.

"Ah, iyon lang pala." Inangkla niya ang kanyang braso sa akin. "Akala ko kung ano na... Eh, bakit ang tagal niyong buksan ang pinto?" Pag tataka niya, natawa si Ben.

"Her seat belt stuck... You're just a little impatient too." Aniya sa kapatid at ginulo ang buhok nito.

"Kuya!" Inis niyang tili. 

"Ylorah, 1:30 na." Ani Ben sa akin.

"Shit! I'll go ahead. See you later." Ani ko at saka nagmadaling naglakad palayo. Hindi na ako muling lumingon pa sa kanila.

"Damn it! Late na ako. Nakakainis naman!" Inis kong sambit habang naglalakad patungo sa room ko. Mabuti nalang at di na masyadong nagtanong pa si Amihan, siguro naniwala naman siya sa sinabi namin. 

Malaki ang pasasalamat ko at maikli lamang ang biyas ng Professor namin at nauna pa ako sa kanya ng ilang minuto. Nang matapos ang klase ko ay dumiretso ako sa faculty, pinapatawag kasi ako ng isa kong Professor. Nakaka-hassle talaga maging college student, sa totoo lang! 

Just FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon