JF 26

124 10 5
                                    


JF 26

Gazer and Ylorah P.1 

Pare-pareho kaming hindi kaagad nakapag-react sa sinabi ni Gazer. Naka-recover lang ako nang marining kong mag salita si Olive. 

"Galit ba siya?" Maliit ang boses ni Olive, tumawa si Ara at saka uminom ng tubig. Hindi ko siya pinansin. 

Hinawi ko ang buhok ko at humarap sa kay Olive. 

"Olive, wait lang." Pagkapaalam ko sa kanya ay agad akong tumayo at hinabol si Gazer. 

Medyo may kalayuan kami sa main entrance nitong restaurant. Nag half-run ako para lang maabutan si Gazer. Nakita ko siya sa may hindi kaluyan na huminto saglit sa reception area. Lalo kong binilisan ang lakad ko patungo sa kanya. 

Bakit kasi may pa-walk out pa siya? Ako nga ang dapat mag walk out. SIya itong may kasamang ibang babae, siya itong hindi man lang mag text or tumawag sa akin! 

Kapos hininga ko siyang naabutan sa tapat ng kanyang kotse. 

"Ga---zer!"Paputol kong tawag sa kanya. 

Hindi siya lumingon sa akin bagkus ay pinatunog niya pa ang kanyang sasakyan. Habang papalapit sa kanya ay tinatanggal ko ang suot kong hikaw. 

Really, I didn't know na ito pala ang bigay ni Lawrence. Nawala sa isip ko, ni hindi ko nga maalala ito. Gusto ko lang naman mag suot ng hikaw dahil ang tagal ko nang hindi nakakapagsuot. 

I just want to look good! Damn it! 

Naabutan ko  siyang pasakay na sa kanyang sasakyan, "Gazer!" Hingal kong tawag sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang braso para humarap siya sa akin. 

Humarap siya at bahagyang hinawi ang kamay kong nasa kanyang braso. I pursed my lips upon his reaction. Huminga ako ng malalim bago mag salita. "What's wrong?" Malumanay kong tanong. 

Tumingin siya sa akin, "What?" Kung anong init ng panahon siya namang lamig ng boses ni Gazer sa akin. 

Nanuyo ang lalamunan ko, hindi ko alam ang dapat kong sabihin. 

"A--are you mad?" I asked him softly. Sinubukan kong muli siyang hawakan ngunit bahagya siyang umiwas na para bang mapapaso siya pag nahawakan ko. 

"Why should I be?" Tumingin siya sa kanyang relo at tinapik-tapik ang bintana ng kanyang sasakyan. 

Nanginig ang labi ko at lalong hindi napakapag-salita. 

"This is nothing..." Pinakita ko ang hikaw na hawak ko. Tinignan niya ito at tumawa ng mahina. 

"Are you done? I have important things to do." Aniya at muling tinignan ang kanyang relo.

That's it. He doesn't want me here. Dahan-dahan akong umatras at huminga ng malalim, pinisil ko ang mga daliri ko at tinuon doon ang atensyon ko. I'd be lying if this doesn't hurt. Pakiramdam ko ay parang may humili sa puso ko at pilit itong pinipiga, 

"Alright. I---I'll just go. Take care." Sabi ko at umalis pabalik sa loob ng restaurant. 

Hindi ko siya narinig na mag salita pa, ang tanging narinig ko nalang ay ang pag tunog at pag alis ng kanyang sasakyan. 

Hindi ba dapat ay masaya ako dahil nagseselos siya? Pero bakit mas lamang sa akin ang nasasaktan? Parang may kumuha sa puso ko at unti unti itong kinukurot hanggang sa masanay nalang ako na gano'n dapat ang maramdaman. 

He didn't even look at me! Pero sa loob ng restaurant ay parang ako lang ang tao kung tignan niya. 

Pagpasok ko sa restaurant ay muli akong binati ng mga servers, hilaw na ngiti ang binigay ko sa kanila. Pag dating ko sa table namin ay naabutan kong nagkukwentuhan si Olive at Ara. 

Just FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon