JF24

123 8 1
                                    

JF24

Scared

"How are you, hija? Haven't seen you since you were high school!" Tita Wendy can't even hide the excitement in her voice. And this is really making me frustrated. I feel like I am being replaced.

Kung hindi pa dumating sila  Tita Wendy kanina ay wala yata silang balak na kumalas sa yakapan nila. Miss na miss ba nila ang isa't is a? Sila nalang kaya?!

"I'm doing good, Ma." Sabi nitong Ara na ito, tumawa si Tita Wendy. MA? AS IN MAMA? AS IN MOMMY?

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya, so she's close with them. Bakit di ko kilala ang isang ito?!

Humilig ng bahagya si Amihan sa akin, tinignan ko ang naka-ngisi niyang mukha, siya kasi ang katabi ko, si Ben naman ay nag paalam na at may pupuntahan daw siya, gano'n din si Mavius at Kier. Kumbaga, ako at itong Ara lang na ito ang naiwan na hindi kabilang sa pamilya.

"That's great! Ah, siya nga pala, this is Ylorah, my soon to be daughter-in-law." Ngumiti ng matamis si Tita Wendy sa akin.

Ah! I want to hug tita Wendy for her introduction, kahit na hindi naman iyon totoo. Kitang-kita ko ang mga bilugang mata ni Ara na lumaki, bumaling ang tingin niya kay Gazer na ngayon ay malalim na nakatingin sa akin. Inirapan ko siya.

"You're getting married?!" Hindi maitago ang disappointment sa boses ng babae.

Yes, we are. Soon to be nga diba? Tanga lang?! Hina naman ng comprehension ng isang ito. 

"Hmm..." Nagkibit balikat si Gazer. Kumunot ang noo ko sa sagot niya.

I mean, it's not like we're getting married or something! Geez! Just the thought of it makes me edgy or something like that. His answer sounded like he doesn't like the idea! Natahimik ang lahat, imbes na pansinin siya ay tinuon ko nalang ang atensyon ko sa babaeng katapat ko ng upuan. Si Ara.

Maputi siya at medium length ang buhok na kulay itim, hindi gaya sa akin na may kahabaan at medyo umaalon. Bilugan ang kanyang mga mata and it looks like it's full of life. Unlike mine. Her nose is pointy and her lips are kind of pinkish. In short, this Ara looked pretty. Even without make-up. Meron lang siyang kilay and it looks like she has it tattooed, a light blush on, and lipstick.

"Uhm... let me just check my phone upstairs..." May bahid ng alangan ang boses ni Tita Wendy. Kita ko ang pag-sulyap niya sa akin.

Naiwan kaming apat sa living area. Ako, si Gazer na mag-isa sa upuan, si Ara na katapat ko sa upuan at si Amihan na katabi ko. Busy siya sa kanyang cellphone. Habang ako ay hindi ko alam kung dapat bang kunin ko din ang cellphone ko at magpanggap nalang na may ka-text.

Nabalot kami ng katahimikan, and it's almost making me deaf. Damn it!

"I heard about the accident, I am so sorry I wasn't able to visit you at the hospital." Pag-basag ni Ara sa katahimikan.

Come on, Gazer doesn't need you at the hospital! I was there kaya!

"But, don't worry, that's the reason why I came home." Ngumisi si Ara. 

Bahagya akong napatingin kay Gazer na nasa gilid ko, kita kong pinatong ni Ara ang kanyang kamay sa kaliwang kamay ni Gazer.

Come on! Why are you letting this girl touch your hand? 

YOUR HAND IS MINE, GAZER!

"Yeah, sana mas naalagan akong mabuti." 

REALLY?! SO HE'S SAYING NA HINDI KO SIYA INALAGAAN NG MAAYOS WHILE HE'S AT THE HOSPITAL?! REALLY, GAZER?!

Just FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon