JF6

1.5K 33 13
                                    



JF6

Amihan

Natulala ako sa sinabi niya. It was so sudden, I don't know what to say. Masyadong naghuhuramentado ang puso ko dahil sa kanya. What was that? What's this? Natauhan nalang ako nang marinig kong humarurot ang kanyang sasakyan.

What was that? What the hell did he say? What the hell just happened? What's with my heart? What's with me and my feelings? Goodness! What's happening? I understand clearly what Gazer was trying to say, pero ayaw tanggapin ng sistema ko ang mga nangyari. I kept on refusing that thought. No it can't be. Ano ba?!

Hindi ako nakatulog nang gabing 'yon, I kept on thinking about Gazer and about what he said, about his facial expression, about his voice. Everything that happened. That day was a great day, huh? It's been 4 days, and still no sign of Gazer around me. He's not calling nor texting me. What's with that guy? What is he up to? It's not like I miss him, it's just that it feels strange without him.

"...okay, I'm on my way... Okay. See you." Ani ko at binaba na ang cellphone. That was Ben, magkikita-kita kami nila Amihan sa isang coffee shop. We're going to watch a movie later.

Kakasara ko palang ng pinto ay gusto ko na agad pumasok sa loob dahil nakita ko nanaman si Lawrence sa labas ng gate ng bahay ko. He was also here yesterday. Napa-irap ako nang mag tama ang mata namin.

Come on, Ylorah! Wag mo nalang siyang pansinin ani ko sa sarili ko. Pero hindi ko maiwasan dahil nakaharang siya sa dadaanan ko.

"Where are you going?" Naka ngisi niyang tanong, pinasadahan ko siya ng tingin, naka lagay ang mga kamay niya sa magkabilang bulsa ng kanyang pantalon, naka suot ng kulay itim na polo at naka-ayos ang kanyang buhok. Ano kayang suot ni Gazer ngayon?

"What's with the smile?" Natatawa niyang tanong. Tumikhim ako, gosh! Why am I smiling at the thought of Gazer? Am I crazy? Pull yourself together, Ylorah!

"Get lost, Lawrence." Ani ko at nilagpasan siya, hinawakan niya ang braso ko at pinaharap sa kanya.

"Ylorah naman, I already said I'm sorry. Please forgive me." He said with no sincerity at all. Tumawa ako, mapaklang tawa ang pinakawalan ko. Hinawi ko ang mga kamay niya at hinaplos ang kanyang mukha, pumungay ang mga mata niya at umangat ang labi niya.

"Not a chance." Matalim kong sabi. Kumunot ang noo niya, inalis ko ang kamay ko sa kanyang mukha. Kung noong una kaming nagkita ay galit ako sa kanya, ngayon naman ay naiinis ako sa kanya.

"Come on!" Aniya at itinaas ang kamay niya ngunit binaba din kaagad. Hindi ko siya pinansin, sinulyapan ko ang cellphone ko. Ang tagal naman ng kotseng binook ko?

"Ihahatid na kita sa pupuntahan mo." Binuksan niya ang pinto ng kanyang sasakyan. Isinuot ko nalang ang sunglasses ko kaysa pansinin siya.

Buti nalang ay dumating na ang kotseng kanina ko pa inaantay, gosh! I can't stand that bastard anymore!

"Ma'am kayo po 'yong sa----"

"Yes po. Paki-unlock na ang door, paki samahan na din po ng konting bilis." Pagputol ko sa kanya. Agad akong sumakay sa sasakyan.

"Ylorah!" Dinig kong tawag niya sa akin. Napatingin sa akin ang driver.

"Let's go, Kuya. Wag mo na pansinin ang gagong 'yon." Tumawa si Kuyang driver, chineck ko ang cellphone ko. Still no sign of Gazer. Where the hell is that guy?

"Boyfriend mo, ma'am?" Tanong ng mausisang driver. Natawa ako at umiling.

"No. Not a chance, Kuya." Tumawa lang ulit si Kuyang driver. Naging tahimik na ang buong byahe, pero hindi tahimik ang utak ko. I am thinking about Gazer, about what he said.

Just FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon