JF 16

957 21 3
                                    







JF16

Fight

Kinabukasan ay pupungas-pungas akong bumangon sa kama, nilingon ko ang pwestong pinag higaan nila Ben at Amihan, wala na sila pareho. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan doon ang oras, 8 am na pala, sakto rin na may ilang mga missed call galing kay Sandy. I brush my hair using my fingers, oo nga pala. May photoshoot si Martha mamaya. I almost forgot.

I called Sandy and told him that I didn't forget our arrangement later. I brushed my teeth before going outside. Nasa may hagdan palang ako ay halos gustuhin ko na kaagad na bumalik ng kwarto ni Amihan. Naalala ko kasi ang kusina nila, nakakahiya!

Dinaanan ko nalang ang kusina dahil wala namang ibang daan palabas kung di doon lang, di ko pa man din nabubuksan ang pinto sa dining area ay dinig na dinig ko na ang tawanan nila. Nang buksan ko ang pinto ay naagaw ko ang atensyon nilang lahat. Hilaw ko silang nginisian.

"Ylorah, Hija!" Masiglang bati sa akin ni Tita Wendy, ang mommy ni Gazer at Amihan. Ngumisi at ako binati rin siya, lumapit ako sa kanya at bumeso. Pag tingin ko kay Tito Albert ay naka ngiti sa sa akin, tinapik ko ang noo ko at binesuhan din siya. Tumawa siya ng malakas.

Kinagat ko ang labi ko! God! Why?!

"Bakit ka tumatawa, hon?" Malambing na tanong ni Tita Wendy sa asawa niya. Muling tumawa si Tito Albert at umiling. Napalunok ako dahil halatang nang-aasar siya. Ngayon alam ko na kung kanino nag-mana si Gazer.  

"Nabaliw ka nanaman... Ylorah, hija have a seat. Kain na tayo." Tinuro niya sa katabing upuan ni Gazer.

6 seater dining table ang meron sila, nasa kabisera si Tito Albert, sa kanan naman ay si Tita Wendy na ngayon ay tinititigan si Ben na kaharap niya, habang si Amihan naman ay aantok-antok pang tinutusok ang hotdog.

"Ben, how's school? Is everything alright?" Pagkamusta niya kay Ben. Ngumiti si Ben at tinaas ang bumababang salamin. Tumingala siya ng bahagya at hinawi ang kanyang bangs.

"Okay naman po, Tita. Gagawa kami ng indie film." Nahihiyang sabi ni Ben, pumalakpak si Tita Wendy at nilagyan ng pagkain ang plato ni Ben pagkatapos. 

Tita Wendy really adores Ben.

"That's great. Tell me if you need anything, we'll help! ... and kung kailan so we can watch!" Malambing na sabi nito kay Ben. Tumango siya at binigyan ng isang matamis na ngiti si Tita Wendy.

"Amihan, Eat properly, anak." Malambing na sabi ni Tita Wendy kay Amihan na ngayon ay itsurang antok na antok.

Napa-ngisi ako at umupo na sa tabi ni Ben, hindi ko tinatapunan ng tingin si Gazer kahit na ramdam na ramdam ko ang titig niya sa akin. Tumikhim ako at nilagay ang ilang hibla ng aking buhok sa likod ng tenga.

"Gazer, care to explain kung bakit biglaan kang umuwi dito? You're supposed to come home with them, bakit di mo tinapos ang business convention mo sa America?" Kinagat ko ang ibaba kong labi dahil sa tanong ni Tita Wendy, why do I feel so guilty?

"And what happened to your hand? Nakipag-away ka ba?" Nag-aalang tanong niya, lalo kong pinag-igi ang pag kagat ko sa aking ibabang labi. Great. What a great morning!

"Yes Ma. Nag-away kami no'ng nililigawan ko." Sagot ng walang hiyang si Gazer. Matalim ko siyang nilingon. Nililigawan ka diyan?!

Halos masamid ako ng sarili kong laway nang kindatan niya ako. Muli kong narinig ang tawa ni Tito Albert.

"Ah. Nililigawan palang pala, akala ko girlfriend mo na?" Natatawang tanong ni Tito Albert kay Gazer.

Mataman kong tinignan si Gazer, I am giving him this 'do something look'. And this idiot just laughs it off. Nakakainis dahil ang bilis ng tibok ng puso ko sa kaba.

Just FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon