JF17

783 22 3
                                    




JF 17

Someone relevant

I had a hard time catching my breath. My hand and my body is shaking uncontrollably and feeling numb all at the same time. I didn't know how did I manage to get here in the hospital safely.

I tightly shut my eyes, as my tears rush their way down to my face. The waves of unpleasant memories are flooding me like there's no tomorrow. I tried to cover my ears as if blocking everything that's coming to me.

I can't hear anything but the ringing inside my head.

Pinag-igi ko ang pagtakip sa tenga ko. Ayoko nang makarinig, ayoko nang umiyak pero wala paring humpay ang pag-tulo ang luha ko at panginginig ng katawan ko.

I tried to calm myself down, but I just can't. Lahat ng mga bagay na ayoko nang balikan ay bumabalik sa akin, at tila wala na silang balak na iwan ako. Ayoko ng ganito, hindi ko gusto. Pilit kong pinipisil ang mga kamay ko dahil tila wala na itong maramdaman.

Naninikip ang dibddib ko at nahihirapan na akong huminga dahil sa mga nangyayari. Pinipilit kong patigilin ang mga luha ko sa pagtulo, pinipilit kong huwag nang alalahanin ang mga masasalimuot, pero wala akong magawa.

This is the thing about memories, they're not just in our head, but also inside our heart and soul.

Wala akong ibang naririnig kundi ang impit kong pag-iyak, wala akong ibang maramdaman kundi ang pinaghalong sakit ng kahapon at ngayon. Tahimik akong nag-dasal na sana ay ayos lang siya. Hindi ko na yata kakayanin kung pati siya ay mawawala pa sa akin.

Nang bumukas ang pinto ng operation room ay agad kong pinilit na tumayo kahit na hirap na hirap na akong huminga at nahihilo na ako. Pinilit ko. Gusto kong malaman na ayos lang si Gazer.

Pinahid ko ang luha ko nang alalayan ako ni Amihan para makalapit sa doctor.

"Doc, h-how's my son?" Umiiyak na tanong ni Tita Wendy sa Doctor. Hindi ko masyadong makita kung sino o ano ang itsura ng paligid ko dahil sa mga luhang tumatabing sa paningin ko, kahit anong punas ko ay hindi parin sila nauubos.

"The patient is fine, he broke his ribs and we have to put a cast on his arms too. But all in all, your son's in a stable condition. He's now out of danger." Balita ng doctor.

Sa kabila ng balita ng doctor ay hindi parin umaayos ang pakiramdam ko.

Pinilit kong hanapin ang boses ko, gusto kong magtanong kung anong nangyari, pero habang pinipilit ko ay mas lalong umiikot ang mundo ko. Mas lalong bumibigat ang pag-hinga ko at tila nabibingi ako.

Pilit kong pinilig ang ulo ko para mawala ang hilo at iba ko pang nararamdaman, nang sa tingin ko ay nahanap ko na ang boses ko ay siya namang tama ng matinding pag-sakit ng ulo ko, napahawak ako dito bago tuluyang dumilim ang paligid ko.


Marahan kong binukas ang mga mata ko at inaaniw ang paligid, kahit na masakit pa ang mga ito ko ay pinilit kong bumangon. Luminga ako sa paligid, I'm in a hoispital bed. Napa-buntong hininga ako nang mapagtanto kong nawalan ako ng malay pagkarining kong ayos na si Gazer.

"Gazer!" Kahit masakit pa ang ulo ko ay hinanap ko ang sapatos ko at gusto kong puntahan si Gazer.

Nang yumuko ako ay lalong tumindi ang pag-sakit ng ulo ko.

Bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa nito si Ben na may dala-dalang pagkain. Nang makita niyang gising na ako at agad siyang lumapit sa akin.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya nang makita niyang naka-suot na sa isa kong paa ang sapatos ko. Bumuntong hininga ako at umiling. Masayado na yata akong pagod at pati pagsasalita ay di ko namagawa.

Just FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon